Rendon, Rosmar persona non grata sa buong Palawan, sorry wa epek

Rendon, Rosmar persona non grata sa buong Palawan, sorry wa epek

Ervin Santiago - June 19, 2024 - 09:44 AM

Rendon, Rosmar persona non grata sa buong Palawan, sorry wa epek

Rosmar Tan at Rendon Labador

TILA walang epekto ang public apology nina Rendon Labador at Rosmar Tan matapos nilang sigaw-sigawan ang isang empleyado sa munisipyo ng Coron, Palawan.

Tuluyan na kasing pinatawan ng parusang “persona non grata” sa buong Palawan sina Rosmar at Rendon, pati na ang iba pa nilang kasamahan sa Team Malakas.

Ito’y dahil nga sa naganap na insidente sa mismong opisina ng mayor matapos magsagawa ng charity event sina Rendon at Rosmar sa isang lugar sa Coron.

Baka Bet Mo: Rendon nag-sorry, tatanggapin ang persona non grata: Huwag na si Rosmar

Sa isang viral video, makikita ang paninigaw at panduduro (ni Rendon) sa isang babaeng tauhan ng munisipyo ng Coron na umano’y nanira sa kanila sa Facebook.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Matapos maglabas ng video ang Team Malakas sa pamamagitan ng social media kung saan sama-sama silang humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente sa Coron ay tinuluyan pa rin silang kinastigo ng mga opisyal sa nasabing probinsya.

Sa naganap na regular session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, June 18, ay inirekomenda ni first district board member Juan Antonio Alvarez ang pagpataw ng persona non grata sa grupo nina Rosmar at Rendon.

Mapapanood sa video na ipinost ng The Palawan Times sa Facebook, idinetalye ni Alvarez ang mga naging kaganapan nang sugurin g grupo nina Rosmar at Rendon ang empleyado ng munisipyo.

Baka Bet Mo: Rosmar Tan: Nasaktan kami sa nangyari pero nagkamali rin kami…patawad!

“Alam naman natin kung ano ang pinaka-trending ngayon sa social media, at ito nga ang issue sa Coron kung saan nagkaroon ng malaking kabastusan na nangyari sa institution ng munisipyo ng Coron.

“So, ang chronological events nu’n ay pumunta sila sa coliseum ng Coron para magbigay sana ng ayuda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“On that day, tsaka po sila humingi ng assistance sa LGU. At bilang LGU, sila naman po ay tinugunan, sila ay in-assist doon sa event nila na biglaan. At same time, hindi na maiwasan na dumagsa ang tao.

“Nagkaroon din po ng insidente na nag-post ang isang staff ng mayor’s office na si Jho Trinidad on her personal Facebook page ng kanyang damdamin na hindi raw po nabigyan ng kaunting (tulong yung ibang pumunta).

“Kumbaga, nag-voice out siya ng kanyang damdamin sa nangyayaring event at nabasa po ata ng Team Malakas. At doon nagsimula ang kaguluhan.

“Sinugod po nila Rendon at Rosmar si Jho doon po sa opisina ng mayor, doon nagsisigaw sila at nagduduro-duro. Nabastos na po ang institusyon ng munisipyo ng Coron,” pagbabahagi ni Alvarez.

Pagpapatuloy niya, “So, sabihin na natin mali ang pinost ni Ma’am Jho. Pero ito po ay kanyang personal na opinyon, ipinost niya po ito sa kanyang personal na Facebok page, hindi niya po ito ipinost as official opinion or stand ng munisipyo ng Coron.

“Ang reaction po ng Team Malakas ay sumobra. Hindi maganda ang ginawang reaction ng Team Malakas.

“Nadamay ang buong munisipyo ng Coron sa aksyon ng iisang tao na hindi naman dapat. Na-generalize po nila na ang tao ng Coron ay masama.

“Hindi po totoo yan. Kilala ko po ang mga taga-Coron. Lagi po ako nandoon. Lagi ko pong nakakasama ang mga tao ng Coron.

“Ang mga tao ng Coron masayahin, matulungin. Grateful yan sila kapag may mga tumutulong.

“Hindi po fair sa bayan ng Coron, sa mga tao ng Coron, na mabansagan sila ng ganoon klaseng ugali,” dagdag pang pahayag ni Alvarez.

Naniniwala rin siya na hindi sapat ang public apology ng Team Malakas para mapatawad nila ang mga ito hinggil sa nangyari.

“Kagabi po sila ay nag-public apology na. Pero para sa akin po, kulang pa rin ito, kailangan pa rin nilang maturuan ng leksiyon.

“Kausap ko po ang mga konsehal ng Coron, sila ay handa ring maghain ng resolution declaring said Team Malakas as persona non grata sa bayan ng Coron.

“Sabi rin po ni SB (Sangguniang Bayan) John Patrick Mata, ang susunod po nilang gagawing hakbang, e, hihilingin sa Sangguniang Panlalawigan na hindi lang sa Coron (sila ma-persona non grata) kundi sa buong lalawigan ng Palawan.

“Ngayon, sa privilege speech ko na ito, gusto ko pong i-open sa ating kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na gawin po natin ito.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Masakit po sa damdamin ko na bilang Palaweño, bilang nagmamahal sa munisipyo ng Coron, sa lalawigan ng Palawan, na mangyari ito sa atin.

“Hindi po kasi porket ba tumutulong ka, hindi po porket na nagbibigay kayo ng ayuda ay may karapatan ka nang mambastos ng kapwa mo Pilipino, kapwa mong tao.

“Hindi po yon rason. Hindi mo po puwedeng ipamukha sa kapwa mo tao na dahil tumutulong ka, puwede na kitang duru-duruin, pagsisigawan, at ipahiya sa social media.

“Hindi po dapat natin palampasin yan. Kailangan matuto ang mga gumawa ng mga aksyon na yan.

“Kaya naman po, let us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non grata, not just in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan because they have no right to do what they just did,” sabi pa ng opisyal ng munisipyo.

Kasunod nito, agad na sumang-ayon sa kanyang saloobin at pahayag ang ilan pa niyang kapwa bokal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ipinasa agad ni Palawan Vice-Governor Leoncio Ola ang resolusyong nagdedeklara ng personan non grata kina Rosmar, Rendon, at iba pang miyembro ng Team Malakas sa buong probinya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending