Rendon tatanggapin ang persona non grata: Huwag na si Rosmar

Rendon nag-sorry, tatanggapin ang persona non grata: Huwag na si Rosmar

Ervin Santiago - June 17, 2024 - 11:03 AM

Rendon nag-sorry, tatanggapin ang persona non grata: Huwag na si Rosmar

Rendon Labador at Rosmar Tan

NAGPAKUMBABA ang social media personality na si Rendon Labador matapos pumutok ang isyu sa kanila ng kapwa influencer na si Rosmar Tan.

Parehong nasusuong ngayon sa bagong kontrobersya sina Rendon at Rosmar nang dahil sa nangyaring insidente sa ginawa nilang charity event sa Coron, Palawan.

Nais silang parusahan ng “persona non grata” sa naturang probinsiya dahil sa ginawa nilang pagkumpronta sa isang staff ng munisipalidad ng Coron na nag-rant sa social media.

Baka Bet Mo: Rosmar Tan sinugod ng mga humihingi ng tulong: Huwag po kayong mananakot

Sabi ni Jho Cayabyab Trinidad, empleyado sa munisipyo sa kanyang Facebook post, “Dear Rosemar at team Malakas…Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed…dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)


“At lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata!

“Mga matatanda sana nalang inuna nyo…Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…. Ekis kayo!” ang matapang na sabi ng staff.

Baka Bet Mo: Rendon, Rosmar papatawan ng ‘persona non grata’ sa Coron, Palawan

Kasunod nga nito, kinompronta nina Rendon at Rosmar ang naturang empleyado. Sa isang viral video, makikitang sinigaw-sigawan at dinuru-duro ni Rendon ang babae.

Nangatwiran din si Rosmar sa paratang ni Jho sa kanila at sinabing wala silang intensiyong makapanakit ng tao. Nais lang daw nilang mapasaya at matulungan ang ilang residente sa Coron.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosemarie Peñamora Tan (@rosmar.2021)


May mga kumampi sa dalawang personalidad pero marami rin ang nagalit sa kanila kasabay ng pag-announce ng isang miyembro ng konseho ng Coron na balak nilang patawan ng “persona non grata” sina Rosmar at Rendon.

Sa kanyang Facebook page, nagbahagi ng official statement si Rendon na may titulong, “PERSONA NON GRATA #CoronIssue.” Narito ang kanyang buong pahayag.

“Gusto kong malaman ninyo na hindi ko kaya na may makitang tao na nasasaktan sa paligid ko.

“Hindi deserve ni Rosmar ang masaktan at siraan, napakabuti ng pagkatao niyan. Walang ginawa yung mag asawa kundi mag isip palagi saan tutulong.

“Kahit sino, kahit hindi celebrity, hindi sikat o kahit hindi ko kilala yung tao kapag inapi gusto kong ipag laban. Ganyan ako pinalaki ng magulang ko. Tumindig para sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

“Humihingi ako ng pasensya kung napasobra ang aking ginawa sa video. Wala akong intensyong masama, kung may mga taong nasaktan man at hindi natuwa humihingi ako ng pasensya.

“Ginagawa ko ang lahat para mag bago. Sumama ako sa mag asawa (Rosmar at Jerome) kasi alam kong sakanila ako mapapabuti.

“Pakiusap ko lang sa Mayor at LGU ng Coron, Palawan na huwag nalang idamay si Rosmar. Ako nalang ang tatanggap ng PERSONA NON GRATA kung yan ang gusto ninyong mangyari.

“Accountable ako sa lahat ng actions ko. Ako ay nag babagong buhay pero ang prinsipyo ko at paninindigan para sa tama ay hinding hindi mag babago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming salamat po. #LabLabLabador.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending