#ProudAkoSaPapaKo: Natutunan ng celebs sa kanilang mga ama

#ProudAkoSaPapaKo: Mga natutunan ng celebrities sa kanilang mga ama

Therese Arceo - June 16, 2024 - 07:50 PM

#ProudAkoSaPapaKo: Mga natutunan ng celebrities sa kanilang mga ama

ISA ang mga ama o mas kilala bilang haligi ng tahanan sa mga inspirasyon at isa sa mga may malaking epekto sa paghubog ng magandang asal ng isang anak.

Kaya naman natanong namin ang ilang celebrities kung ano ang malaking bagay na kanilang natutunan sa kanilang mga tatay.

Para kay Miles Ocampo, ang nakuha niyang aral mula sa ama ay ang pagrespeto sa oras ng ibang tao.

“Yung natutunan ko sa Papa ko na effortless na lang siya sa akin ay matutong rumespeto sa oras ng ibang tao. Si Papa kasi yung naghahatid sa akin nung bata pa lang po ako kaya ngayon habang lumalaki po ako, nagpa-panic po talaga ako kasi ayaw na ayaw ko pong cause of delay.

“Kasi pare-pareho lang naman po tayo na kapag nagtatrabaho gusto lang natin na matapos nang maaga so hanggang ngayon, ‘wag kang male-late sa trabaho. Pagrespeto sa oras ng ibang tao,” lahad ni Miles.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Amang LGBTQ member nagbibigay-kulay sa pamilya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi naman napigilan ng Kapamilya actor na si Joao Constancia ang maiyak habang inaalala ang mga naituro sa kanya ng ama.

“When it comes to family talaga, it’s something special and close to me… When it comes to my father, he supported all of my dreams and stuff. The best part that I learned from my dad is to be grateful of simple things in life. Because we are not here everyday and we don’t know when we will disappear from this Earth but just be grateful with everything talaga,” kwento naman ni Joao.

Para naman kay Jameson Blake, natutunan niya mula sa ama kung paano i-appreciate ang bawat tao sa kanilang paligid.

“He taught me a lot of things in life especially ‘yung mga tumutulong sa ‘yo eversince you started. How to be polite with people around you. How to be respectful no matter who you are talking to.

“I learned hos you make sacrifices. We always look at our parents na para silang superhero and sometimes it teaches things indirectly and as we grow up, we are going to be our superheroes,” chika naman ni Jameson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending