Ria ibinandera ang ‘baby bump’, buntis sa 1st baby nila ni Zanjoe

Ria ibinandera ang ‘baby bump’, buntis sa 1st baby nila ni Zanjoe

Pauline del Rosario - June 16, 2024 - 01:13 PM

Ria ibinandera ang ‘baby bump’, buntis sa 1st baby nila ni Zanjoe

CONFIRMED mga ka-BANDERA! Magiging soon-to-be parents na ang newly weds na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Kasabay ng pagdiriwang ngayong Father’s Day, inanunsyo ni Ria na ipinagbubuntis niya ang panganay nila ng aktor.

Sa Instagram, makikita ang ilang masayang pictures ng celebrity couple at proud na ibinabandera ang baby bump ng aktres.

Ayon pa kay Ria, excited na siya sa panibagong journey nila ng mister.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be,” panimula niya sa caption.

Baka Bet Mo: Zanjoe tinawag na ‘responsableng tao, napakabuting asawa’ ni Sylvia

Mensahe pa niya, “Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you [white heart emoji]”

“Happy first Father’s Day! [sparkle emoji],” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang bumuhos ng pagbati sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Yam Concepcion, Cassy Legaspi, Alex Diaz, Jason Abalos, Rachel Peters, Marlo Mortel, Debs Garcia, Eula Valdez at marami pang iba.

Kung maaalala, ikinasal sina Ria at Zanjoe noong Marso sa isang civil ceremony sa Quezon City makalipas ang isang buwang enggaged.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang naghinala na baka buntis si Ria kaya tila minadali ang pagpapaksal ng dalawa.

Lalong naging usap-usapan sa social media ang “pregnancy rumors” nang ibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” vlog na may source sila na nagsasabing preggy nga talaga ang anak ni Sylvia Sanchez.

“May source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” saad ng batikang kolumnista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending