Lolit Solis hinihintay ang pangakong cellphone ni Paolo Contis

Lolit Solis hinihintay ang pangakong cellphone ni Paolo Contis

Therese Arceo - June 13, 2024 - 02:31 AM

Lolit Solis hinihintay ang pangakong cellphone ni Paolo Contis

HANGGANG ngayon ay inaantay pa rin ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis ang regalong cellphone sa kanya ng alagang si Paolo Contis.

Sa kanyang recent Instagram post ay ibinahagi niya na pinangakuan siya ng Kapuso actor ng cellphone bilang birthday gift.

“Naku Salve dahil friends din kayo ni Paolo Contis please sabihin mo bigay na niya iyon promise niyang birthday gift na cellphone para mapalitan ko na iyong luma ko,” saad ni Lolit.

Naikuwento rin niya na last year ay binigyan rin siya ng cellphone ng aktor ngunit kinuha raw ito ng kanyang kasamahan na si Gorgy.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa chikang break na sina Paolo at Yen: Baka nagkasawaan na?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dahil nga raw dito ay tila ayaw nang bigyan ni Paolo ng bagong cellphone si Lolit.

“Hanggang ngayon tuloy wah pa ang birthday gift na promise niya. Nabigay na ni Amy Austria ang promise niyang food pero wala parin ang cellphone kay Paolo, huh huh.

“Sa suki ni Paolo ng phone sa Greenhills please bigay nyo na ang order niya, or else ihanap ko siya ng bagong suki,” biro pa ni Lolit.

Matatandaang kamakailan lang ay inilaglag ng kolumnista ang kanyang alaga at sinabing waldas raw ito sa pera kaya hanggang ngayon ay wala pa masyadong napupundar ang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Paolo, ‘Day, kaya kami nag-aaway, walang galang sa pera. Basta may hawak na pera ‘yan, waldas talaga. Diyos ko, kung anu-ano ang binibili,” chika ni Lolit.

Kaya raw ang kailangan ng Kapuso actor-comedian ay isang mahusay na partner.

“Ang kailangan ni Paolo, ‘yung mahusay na partner. ‘Yung takot siya, ginagalang niya, tapos ‘yung susundin niya pag may sinabi sa kanya,” sey pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending