Paolo Contis, Yen Santos 'never' naging magdyowa

Paolo Contis, Yen Santos ‘never’ naging magdyowa, sey raw ng ina ng aktres

Reggee Bonoan - May 31, 2024 - 09:05 AM

Paolo Contis, Yen Santos 'never' naging magdyowa, sey raw ng ina ng aktres

Yen Santos, Paolo Contis

WALANG diretsong pag-amin sina Paolo Contis at Yen Santos kung naging sila o hindi.

Ito ang palaisipan ngayon sa mga nakapanood ng vlog nina Direk Chaps Manansala at Jobert Sucaldito na OOTD sa YouTube channel.

Dati ay nabanggit ni Paolo na “what you see is what you get” na ibig sabihin kung ano ang nakikita ng netizens na nagkakasama rati ay considered “sila” na.

Pero may mga pahayag din ang aktor na kahit na anong sabihin nila ay hindi pa rin sila pinapaniwalaan ng mga tao.

Pero kamakailan lang ay nabalitang naghiwalay na ang dalawa at bilang patunay ay binura na ng aktres ang mga larawan nila ng aktor sa kanyang Instagram account, maliban do’n sa dalawang poster ng pelikulang “A Far Away Land” na ipinalabas sa Netflix noong 2021.

Baka Bet Mo: Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Anyway, kaya namin ito nasulat ay sa dahilang nakausap ni Jobert ang ina ni Yen at sinabi nitong hindi naging dyowa ng anak niya si Paolo.

Bungad ni Jobert sa vlog, “Ang pagkakaalam natin sila talaga.”

Sey naman ni Direk Chaps, “Sa dami ng mga kwento tulad ng pagpunta ni Paolo Contis sa Baguio, ‘yung paghihiwalay nilang mag-asawa (LJ Reyes as live in partner), pagiging sweet nilang dalawa (Pao and Yen), sinong magsasabing hindi sila?”

Ayon naman kay Jobert, “’Di ba ‘yung sa Baguio nga, si Paolo ang clear na hindi raw totoong mag-dyowa sila that time. Just friends lang daw after the movie (A Far Away Land) na ginawa nila sa Norway ba ‘yun na they were there, patago dahil magkasama sila, alam mo naman si Paolo magaling magtago ng mga palihim ng mga relasyon malaman mo na lang hiwalay na siya sa mga dyowa niya, anyway that’s beside the point.”

Patuloy niya, “We’re talking about Yen Santos na ang alam natin ay naging sila at ang balita nga natin ay live-in sila.

“So ngayon recently lang about two days ago lang (paglabas ng vlog sa YT) ay pumuutok na hiwalay (Paolo at Yen)  sila pero ang tsismis ay tinanggal na raw ni Yen Santos ang mga picture sa Instagram at in-unfollow na raw niya si Paolo, but si Paolo remained follow her at mga pictures ni Yen nandoon pa rin sa kanyang (Paolo) account.”

At nabanggit na ni Jobert na nakausap nito ang mommy ni Yen  Santos.

“Tinawagan ko po si mommy Lilian, si mommy Lilian is the mother of Yen Santos kasi very close sa akin ‘yang batang ‘yan more than 10 years na,” chika niya.

Kwento pa niya, “Sabi ko, ‘mommy may tanong lang ako?’ ‘Ano ‘yun ‘nay?’  Nanay din kasi ang tawag sa akin no’n, eh.  Sina Yen ba at si Paolo hiwalay na? ‘Yun ang tanong ko sa kanya.”

Patuloy pa, “Sabi sa akin, ‘nanay naman pati ba naman ikaw naniwala?’ (Sabi ko), ‘bakit ‘ny?’ (Sagot ng mommy ni Yen), ‘never namang naging sila?’”

Nagulat si Jobert, “Ha? Never na naging sina Pao at Yen? Pero inisip ko coming from a mother baka ayaw lang niya kay Paolo, ‘di ba?

“Sabi ko, ‘pero ang balita ‘di ba live-in sila?’

“Sabi niya (mommy Lilian) si Yen lives with her tita in Manila. Si mommy Lilian kasi nasa Cabanatuan. Siya ang nagbabantay ng business nila they have a commercial building there, eh may mga umuupa (like) 7, 11 iyon ang kabuhayan nila.”

Balik tanong ulit ni Jobert sa ina ng aktres, “So, ibig sabihin hindi sina Paolo at si Yen? So, hindi totoong magdyowa?’”

Sagot ng in ani Yen, “‘Nay naman hindi. Hindi ko nga alam san nila nakuha ang balitang ‘yan.”

Hirit ni Jobert, “Baka hindi mo lang alam na dyowa ni Yen si Paolo? Kasi sabi mo nga nag-aaway kayo ni Yen?”

“I should know kasi nanay ako!”  So, I just take the word for it, ‘di ba?  I don’t know how to say it kasi ang mommy mismo ni Yen Santos na si mommy Lilian ay kaibigan ko at si Yen ay anak-anakan ko, at si Paolo anak-anakan ko rin ang nagsabing walang relasyon si Pao at si Yen.

“So bahala na kayo, wala na akong magagawa dito,” nakangiting kwento ni Jobert sa naging takbo ng tsikahan nila ng ina ni Yen.

Hirit naman ng netizens na binasa ni Direk Chaps, “Huh? Friends with benefits lang sila?”

Sey naman ni Jobert, “Puwede, malay mo. Hindi natin alam.”

Kaya sabi ni Direk Chaps, “Kayo na ang bahala kung ano sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gusto naming isiping baka walang alam ang mommy Lilian ni Yen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending