Aiko sinabunutan ni Mylene; John bidang-bida sa Pamilya Sagrado

Aiko ‘sinabunutan’ ni Mylene; John bidang-bida, si Piolo ang kontrabida

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 09:00 AM

Aiko 'sinabunutan' ni Mylene; John bidang-bida, si Piolo ang kontrabida

Aiko Melendez, John Arcilla at ang iba pang cast members ng ‘Pamilya Sagrado’

MAKALIPAS ang pitong taon mula nang magmarka sa manonood ang role niya bilang si Emilia Ardiente sa “Wildflower” noong 2017, nagbabalik-ABS-CBN uli si Aiko Melendez.

Isa sa mga cast members ng latest Kapamilya drama series na “Pamilya Sagrado” si Aiko under Dreamscape Entertainment na pinumumunuan noon ng yumaong TV executive na si Deo Endrinal.

Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

Sa naganap na presscon ng serye kamakailan ay natanong si Aiko kung bakit napapayag siyang tanggapin ang naturang proyekto after almost a decade.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I think the project itself and the cast, we all know that sinabi naman kanina na ito ang project na talagang inupuan ni Sir Deo kaya while doing this project talagang inaalay namin ‘tong lahat kay Sir Deo,” tugon ni Aiko.

Dagdag niya, “And ‘yung cast rin dito, nakatrabaho ko na rin ang karamihan sa kanila and I am excited akong makatrabaho ‘yung mga new ones.”

Siniguro naman ng premyadong aktres na totally different ang role niya sa “Pamilya Sagrado” sa pinasikat niyang karakter na Emilia Ardiente sa “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Baka Bet Mo: Osang excited nang makatrabaho uli si Piolo sa ‘Pamilya Sagrado’

“Mayroon ba tayong mga bali-baliwan dito? Meron, sinabunutan niya ako dito,” sey ni Aiko sabay turo sa co-star nilang si Mylene Dizon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Nagpasalamat din si Aiko sa mga bossing ng Kapamilya Network dahil sa patuloy na pagkuha sa kanya sa malalaking proyekto tulad ng “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

“Thank you, thank you to ABS-CBN and Dreamscape for always having me in mind kapag mayroong mga proyekto na ganitong kalaki, talagang kino-consider nila ako I feel so blessed and flattered,” mensahe ng konsehala.

Makakasama rin sa serye sina John Arcilla, Joel Torre, Tirso Cruz III, Rosanna Roces, Shaina Magdayao, Grae Fernandez at Kyle Echarri.

Speaking of John Arcilla, puring-puri niya ang lahat ng artistang kasama niya sa “Pamilya Sagrado”, lalo na ang mga youngstars na nakakaeksena niya.

“When I was approached, during the pitch moment, ang sabi sa akin, it’s supposed to be like… hindi ko alam kung mapi-preempt ko ang kuwento nito, eh.

“Pero aspect kasi sa character ko na parang transformational, or simple unmasking, which means meron akong dapat iwasan na kuwento.

“Pero ako kasi ang nasa gitna. Noong una kasi, ang sabi sa akin, ako ang bida, at si Piolo ang kontrabida. Seriously, yun talaga ang kuwento.

“That’s very interesting for me. Pero hindi ko alam kung ano ang ididiretso ng kuwento. Pero may isang twist na aside from very relevant ‘yung kuwento tungkol sa political society, kakaiba ang character nito kesa sa mga nauna kong ginawa,” pagbabahagi ni John.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa direksyon nina Lawrence Fajardo at Andoy Ranay, mapapanood na ang “Pamilya Sagrado” simula sa June 17, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending