Carlo kay Charlie: Hindi ka na mag-iisa, lagi kang may kasangga

Carlo kay Charlie: Hindi ka na mag-iisa, lagi ka nang may kasangga!

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 05:16 PM

Carlo kay Charlie: Hindi ka na mag-iisa, lagi ka nang may kasangga!

Charlie Dizon at Carlo Aquino

MARAMING pinaiyak sina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa pagpapalitan nila ng wedding vows sa kanilang kasal last Sunday, June 9 sa Alta Veranda de Tibig, sa Silang, Cavite.

Nag-post si Charlie ng video sa Instagram kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa kanilang wedding na kinunan ng Nation in Motion.

Isa nga sa highlights nito ay ang wedding vows ng celebrity couple na nagpaluha sa kanilang mga bisita, kabilang na riyan ang ilan sa mga celebrity guests.

Baka Bet Mo: Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang ‘proposal’

Bahagi ng wedding vow ni Carlo, “April (tunay na pangalan ni Charlie), mahal ko. Ngayong araw na ito gusto kong magpasalamat sa iyo sa tapang mo kasi pumayag kang maging Mrs. Aquino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nagpapasalamat ako sa nasa Itaas dahil hindi Niya ako binigo. Nagdasal ako ng kapayapaan at ‘yun ang ibinigay niya sa pagkatao mo, mahal,” pahayag ni Carlo.

Patuloy pa niya, “Kapag may mga araw na hindi na pantay ang pagmamahal nating dalawa, hindi ko pa rin makakalilimutan na mahalin ang pagkatao mo at ingatan ang puso mo.

“Simula sa araw na ito hindi ka na mag-iisa. Palagi ka nang may kasangga. Nandito lang ako palagi sa likod mo o sa harapan mo at bibigyan ka ng kumpiyansa. Isa kang biyaya sa buhay ko, Mahal. I love you,” ang emosyonal pang pahayag ni Carlo para kay Charlie.

Baka Bet Mo: Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Narito naman ang bahagi ng wedding vow ni Charlie para sa kanyang groom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakita ko ‘yung goals mo ay aligned sa goals ko. Ang pagiging family oriented mo, kung paano mo kami alagaan or paano ka when it comes to your loved ones… siguro, ‘yun ang pinakasign na ikaw ay para sa ‘kin.

“Alam ko hindi naging madali ‘yung journey natin as a couple but I am proud na nandito na tayo ngayon in front of everyone who loves us genuinely,” pahayag pa ng Kapamilya actress.

Sa mga litratong naglabasan sa social media ay makikitang nagpapahid ng kanilang luha ang ilan sa mga um-attend sa kasal habang nagpapalitan ng mensahe ang bride at groom.

Naging bahagi ng wedding entourage nina Carlo at Charlie ang mga kaibigan nilang celebrities tulad nina Sue Ramirez, Belle Mariano, Kaila Estrada, Adrian Lindayag, Ketchup Eusebio, Ramon Bautista, Loisa Andalio, Elisse Joson at Alexa Ilacad.

Ilan sa mga naging principal sponsors ng bagong kasala ay sina Charo Santos-Concio, ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Sylvia Sanchez, Rhea Anicoche Tan, Art Atayde, Olivia Lamasan, Maricel Soriano at Vilma Santos-Recto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang suot na dark green suit ni Carlo ay gawa ni Paulo Lazaro habang ang V-neck, backless design na may bodice floral appliques ni Charlie ay disenyo ni Steph Tan. Ang nag-makeup sa kanya ay si Marben Talanay and hairstyle by July Vito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending