Emilienne nag-celebrate ng 26th b-day kasama si Joshua: Masaya buhay ko!
SURE na sure kaming abot-langit ang kaligayahan ng French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier sa pagdiriwang ng kanyang birthday.
Emilienne just turned 26 kahapon, June 10, at nag-celebrate nga siya kasama ang kanyang boyfriend na si Joshua Garcia at iba pang taong malalapit sa kanya.
Baka Bet Mo: Joshua Garcia bagong ‘gym buddy’ ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram?
Sa kanyang Instagram page, makikita sa mga ipinost na litrato ng dalaga na simple lamang ang naging intimate party niya.
View this post on Instagram
Aniya sa caption, “My bestest friend reminded me (all the time actually) lots of times last night that I am loved by many.
“And I know so when I always see the same people show up for me & others from our shmoll circle since 2017,” aniya pa.
Dinugtungan pa niya ito ng, “Merci fwends … for always being present and real (& the rest who I have no photos with … basta happy kayo ok na ako) …
“Masaya buhay ko dahil nan diyan kayo. I appreciate and love y’all so much, I really cried a river of gratitude this morning,” ang kabuuan ng kanyang IG post.
Sa kanya namang Instagram Story, nag-post si Joshua ng childhood picture ni Emilienne na may text caption na, “HBD” o “Happy Birthday.”
Sinagot naman ni Emilienne ang pagbati ni Joshua sa pamamagitan ng tatlong letra, ang “JTM.”
Matatandaang noong November, 2023 ay ibinandera ng atleta sa Instagram Stories ang sweet photos nila ni Joshua na kuha habang nanonood sila ng concert ng Coldplay sa Tokyo.
View this post on Instagram
Sa panayam namin kay Joshua last year at ng ilang members ng press, nagsalita siya tungkol sa relasyon nila ni Emilienne.
“Galing na kasi ako sa iba’t ibang klase ng relationship and everytime na sine-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo, nagiging shaky ‘yung relatiohship, eh.
“Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” aniya pa.
“Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte du’n, e,” sey pa ni Joshua.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.