Maja 30 oras nag-labor, nagkaproblema sa uterus: Ubos lakas ko!

Maja 30 oras nag-labor, nagkaproblema sa uterus: Ubos na ubos lakas ko!

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 12:11 AM

Maja 30 oras nag-labor, nagkaproblema sa uterus: Ubos na ubos lakas ko!

Maja Salvador at Rambo Nuñez

MATINDI pala ang pinagdaanan ng actress-TV host na si Maja Salvador bago maisilang ang panganay nila ni Rambo Nuñez na si Baby Maria.

Imagine, 30 oras siyang nag-labor at nagkaroon pa ng problema sa kanyang uterus na naging sanhi ng pagkawala ng maraming dugo sa kanyang katawan.

Kaya naman talagang itinuturing nina Maja at Rambo na isang miracle o  himala ang paglabas ng kanilang healthy baby girl.

Baka Bet Mo: Dennis mabilis na gumaling sa COVID dahil sa dasal ng mga anak; ‘pigil hininga moment’ keri pa ba?

Sa kanyang Instagram page, binalikan ni Maja ang naging challenging journey niya sa panganganak kalakip ang ilang litrato na kuha habang siya’y nasa ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Exactly a week ago…

“I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.

“Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka emergency… I had uterine inversion. Kaya kinailangan nilang kunin sakin si Maria at binigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed,” simulang kuwento ni Maja.

Ayon sa isang health website, ang “episiotomy” ay, “a type of surgical incision, performed when the vaginal opening needs to be widened to allow for a smoother delivery, especially in cases where there is risk of tearing or if the baby needs to be delivered quickly.”

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Habang ang tinatawag namang “uterine inversion”, “the placenta fails to detach from the uterine wall, and pulls the uterus inside-out as it exits. Treatment options depend on the severity, but could include reinserting the uterus by hand, abdominal surgery or emergency hysterectomy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA SALVADOR (@maja)


Patuloy ng aktres, “3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.

“That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore… ubos na ubos na lakas ko… I started praying Hail Mary… paulit ulit kahit wala na akong lakas.

“And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!!!!” lahad pa ng first-time mommy.

Nagpasalamat naman si Maja sa lahat ng mga doktor at nurse na nakasama niya sa kanyang pregnancy journey mula day one hanggang sa araw na nag-labor siya.

“Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandun nun, especially to the filipino nurses who provided unwavering care and support.

“Ate Vanessa, Angela, Ate Gloria, Ate Christina and Ate Beverly, Thank you.

“To My Doula Grace, thank you for everything. You did your part beyond your job. You’re amazing!” ang bahagi pa ng kanyang IG post.

Sa ngayon ay nasa recovering stage na si Maja, “Ang swerte kong kasama ko ang pamilya ko dito sa Canada.

“Love you Mama, Kirby, Martin and Mom!
See you soon Ate Yans, Kuya and Big Babies. Thank you also Dinahbabes and Yaya Lyn.

“To My Husband, I LOVE YOU.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK!” ang kabuuang mensahe ni Maja Salvador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending