Dennis mabilis na gumaling sa COVID dahil sa dasal ng mga anak; ‘pigil hininga moment’ keri pa ba?
TAIMTIM na pagdarasal ang isa sa pinakamabisang sandata ngayon sa paglaban sa COVID-19 bukod sa bakuna at pag-inom ng iba’t ibang uri ng gamot.
Yan ang paniniwala ng veteran comedian na si Dennis Padilla matapos tamaan ng nakamamatay na virus.
Ayon sa komedyante, dalawang linggo rin siyang na-confine sa Capitol Medical Center sa Quezon City, nang magpositibo siya sa COVID-19.
“Noong first, second, third day, tinataas ko lang ‘yung kamay ko. Sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ito na ‘yun,’” pahayag ni Dennis sa panayam ng DZRH.
Aniya, noong nakaratay siya sa ospital ang palagi raw niyang ipinagdarasal ay pahabain pa ang kanyang buhay para sa kapakanan na rin ng kanyang pamilya, lalo na para sa mga anak niya.
“Sana mapagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Sana, you can give me another chance for life,” pahayag ni Dennis.
Kuwento pa niya, palagi rin siyang ipinagdarasal ng kanyang mga kapamilya, kabilang na riyan ang mga anak niya kay Marjorie Barretto lalo si Julia na palaging tumatawag sa kanya.
Pahayag ng komedyante, “Halos every night ko sila nakakausap. She was telling na all of them are praying hard for me.
“Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon ‘yung mga dasal ng mga anak ko.
“They were praying for their father. They were praying for my recovery. They were praying na mawala na lahat yung infection ko sa lungs,” aniya pa.
Sa ngayon, naka-recover na si Dennis at isa na rin siyang matatawag na COVID-19 survivor.
* * *
Naranasan mo na ba ang hashtag #PigilHiningaMoment ngayong panahon ng pandemya?
Yung eksenang ubung-ubo ka na pero nahihiya ka dahil baka matitigan ka ng masama at akalaing may COVID-19 ka na? Naku, na-experience ko na yan, at ang hirap-hirap ng ganyang sitwasyon.
Alam nating lahat na ang mga tao ngayon ay balot ng takot dahil sa banta ng nakamamatay na coronavirus kung saan ang ubo ay isa sa mga sintomas. Ngunit hindi lahat ng ubo ay may kaugnayan sa COVID.
May natanggap kaming e-mail mula sa Unilab na maaaring makatulong sa ating lahat para maiwasan ang mga pigil hininga moment. Sila ang ang may gawa ng Solmux Advance, isang over-the-counter na gamot na nagbibigay ng komplimentaryong aksyon laban sa respiratory tract infection.
“Ang ubo ay hindi sakit. Isa itong defense mechanism to protect the lungs and airways,” simulang pahayag ni Dr. Gwen Agra, isang pulmonologist.
Dagdag niya, “Maraming maaring maging sanhi ng ubo tulad ng usok, alikabok, pollen, medication, o kaya naman lung disease tulad ng asthma or chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Lahat ng ito ay pwedeng mag-trigger ng reflex action.”
Ayon kay Dr. Agra, ang lalamunan at daanan ng hangin ay may mga cough receptors at maninipis na layer ng mucus na bumabalot at nagpoprotekta sa airways.
Oras na may makapasok na trigger, agad itong nakikilala ng cough receptors at nagpapadala ito ng message sa ating brain na siya namang magbibigay ng signal sa ating chestwall at abdomen para ilabas ang trigger sa pamamagitan ng pag-ubo.
“Ang paminsan-minsang pag-ubo ay normal at isang healthy function ng katawan pero kung ito ay paulit-ulit o pabalik-balik, mas makabubuting komunsulta na sa doktor,” payo pa ng doktor.
Ang karaniwang ubo ay tumatagal ng hanggang dalawang linggo lamang. Kung hindi pa ito gumaling sa loob ng nasabing panahon, maaaring ang ubo ay sintomas ng mas malalim pang problema sa kalusugan.
Isa sa mga madalas na sanhi ng ubo ay ang respiratory tract infection (RTI) tulad ng sipon o trangkaso na dulot ng virus.
Ang mga ganitong uri ng impeksyon ay maaaring magtagal sa gamutan at kailanganin ang tulong ng antibiotic. Ayon sa Unilab, ang Solmux Advance ay maaaring inumin upang matanggal ang malagkit at mahirap palabasin na plema habang itinataas nito ang immune system ng taong may sakit.
Paalala pa ni Dr. Agra, “Ang isang ubo na sintomas ng isang mas seryosong kondisyon ay hindi basta gagaling ng walang gamutan. Maaari itong lumala at maging sanhi ng iba pang mga sintomas.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.