TikTok video nina Sarah at Kyline resbak kay Annabelle Rama?

TikTok video nina Sarah at Kyline resbak nga ba kay Annabelle Rama?

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 06:35 AM

TikTok video nina Sarah at Kyline resbak nga ba kay Annabelle Rama?

Barbie Imperial, Annabelle Rama at Sarah Lahbati

USAP-USAPAN ngayon ang bagong TikTok video ni Sarah Lahbati na pinaniniwalaang bwelta nito sa patutsada ni Annabelle Rama.

Naging trending topic sa social media ang Facebook post ng nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez na sinasabing patama kay Sarah at papuri naman kay Barbie Imperial.

Sa FB status ni Tita Annabelle, sinabi nitong hindi siya lalaban si Barbie Doll at ang gusto niyang makalaban ay si Chucky Doll na isang stuffed toy na sinasaniban ng demonyo.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak

Hirit ni Tita Annabelle, “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo. Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” aniya pa.

Walang binanggit na pangalan ang talent manager pero feeling ng lahat ng nakabasa nito ay si Sarah at Barbie ang bida sa kanyang pa-blind item.

Dahil dito, naisip ng netizens na botong-boto raw si Tita Annabelle kay Barbie bilang bagong girlfriend ng kanyang anak na si Richard.

Baka Bet Mo: Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Sa latest TikTok video naman ni Sarah kung saan kasama rin nito ang kaibigang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, tila may pasaring nga ito sa dati niyang mother-in-law.

Nakasulat sa caption ng TikTok entry ni Sarah ang mga katagang, “Are you tchretend?! @kyline alcantara.”

Mapapanood sa video na nag-uunahan sina Sarah at Kyline na magbigay ng spaghetti sa boys at sinabi ng ex ni Richard sa voice over na, “Are you competing with me?” na sinagot naman ni Kyline ng, “Are you threatened?”

Karamihan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens, ito nga raw marahil ang sagot nina Sarah at Kyline sa post ni Tita Annabelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ng isang TikTok user, bongga rin sumagot si Sarah sa mga patutsada ng nanay ni Richard, “subtle yet so classy” raw kung rumesbak ang aktres pati na rin si Kyline.

Ganyan daw dapat kapag nakipagbardagulan ang mga sosyalera, simple pero may dating at tumatagos.

Matatandaang naisyu rin si Kyline noong maghiwalay sila ni Mavy Legaspi na nabalitang pinatamaan din umano ng nanay ng aktor na si Carmina Villarroel sa kanyang mga cryptic post sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suggestion naman ng mga fans nina Sarah at Kyline, huwag na raw masyadong pansinin at magpaapekto sa mga bashers at mga haters.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending