‘Rampa Manila 2’ ibabandera ang impluwensiya ng Divisoria sa Pinoy fashion
MALAPIT na ang inaabangang bonggang fashion event sa Maynila!
Ito ang “Rampa Manila 2” na may temang “Textile, Texture, and Technique” sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Dahil sa upcoming event, muling patutunayan ng nasabing lungsod ang katayuan nito bilang “fashion hub” ng Pilipinas.
Bukod sa pagpupugay sa Pinoy designers, asahan din na ibibida ang mga materyales na tampok mula sa Divisoria market.
“Layunin nating itaas ang industriya ng pananamit sa Maynila at iwagayway ang bandera ng kalidad at husay ng industriyang ito,” sey ng alkalde.
Baka Bet Mo: ‘Rampa Manila 2’ aarangkada sa Manila bilang pagpupugay sa Pinoy fashion
Babandera sa “Rampa Manila 2” ang mga likha mula sa ilang highly-respected designers.
Kabilang na riyan sina Anthony Ramirez, Neric Beltran, Val Taguba, Marc Rancy, at Jhobes Estrella.
Rarampa din ang mga disenyo na gawa ng ilang rising talents na sina Morissette Magalona, Dhenyze Guevara, at Joanna Santos.
At speaking of Divisoria, sinabi ng ilang designers na ito ang lugar na naghubog sa kanilang karera – mula sa paghahanap ng mga tela hanggang sa magkaroon ng inspirasyon sa gagawin nilang disenyo.
“Manila plays an important role in any designer’s career because we source our fabrics locally, especially from Divisoria,” sambit ng sikat na fashion designer na si Neric.
Patuloy niya, “I would like to think that most, if not all, of us like to source from Divisoria, that’s why I think these places are very important.”
Sumang-ayon naman diyan ang self-made fashion icon at designer na si Anthony Ramirez kung saan inalala pa niya ang Divisoria bilang go-to area niya noong nagsisimula pa lang siya sa fashion industry.
“There’s a street there called Palakpak, which exists to this day. If you’re a young designer building your collection, Palakpak should be your go-to because everything there is affordable,” payo niya.
Kung maaalala noong Abril, nagkaroon ng press conference para sa nasabing fashion event.
View this post on Instagram
At doon nabanggit na layunin ng “Rampa Manila” at ng lokal na pamahalaan ng Maynila na buhayin ang Divisoria bilang “Fabric and Textile Capital” ng bansa.
“Dati kasi talaga puntahan ang Divisoria for any needs for any kinds of textile. But during the past few years, nag-dwindle talaga ‘yung desire sa Divisoria to avail textile,” kwento ni Mayor Honey.
Patuloy niya, “In fact, marami po sa mga designers natin would rather import or get their textiles from somewhere else. So it’s also the local government of Manila’s way to help ‘yung ating mga stakeholders doing business here in the city of Manila.”
Bukod diyan, naniniwala rin ang alkalde na maraming magagaling na designers sa ating bansa na naghahanap ng platform upang maipakita ang kanilang galing at talento.
Ang “Rampa Manila 2” ay mangyayari sa Bulwagang Rodriguez sa darating na June 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.