Sandy nilayasan si Christopher, nagtago sa kumbento: Ang chaotic!
NILAYASAN ng veteran actress na si Sandy Andolong ang asawang si Christopher de Leon noong magkaroon sila ng isyu bilang mag-asawa.
Rebelasyon ni Sandy, marami rin silang pinagdaanang pagsubok ni Boyet bilang married couple pero mas pinili nilang huwag bumitiw sa kanilang pagsasama.
Mahigit apat na dekada nang mag-asawa sina Christopher at Sandy at masasabi niyang solid na solid pa rin ang kanilang relasyon hanggang ngayon.
View this post on Instagram
Pero inamin nga ni Sandy sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon na may pagkakataon na iniwan din niya si Boyet dahil hindi na niya kaya ang pinagdaraanan nilang mag-asawa.
“There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I left the house kasi parang ang chaotic. It was too much already.
“It was beginning to have a really bad effect on my two children at that time. So I left Christopher,” ang pag-amin ni Sandy.
Baka Bet. Mo: Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?
“Nagulat si Christopher, pag-uwi niya, wala na ako,” aniya.
Noong layasan niya ang aktor, sa isang kumbento raw siya namalagi na tumagal nang isang linggo. Doon daw siya nagdasal nang nagdasal. Si Boyet naman ay nagdesisyon nang isuko ang kaniyang buhay kay Lord
“Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, ‘No, I want this to work. I don’t want to lose you. I don’t want to lose the boys. I want to have a complete family.’
View this post on Instagram
“Kasi he comes from a broken family, I came from a broken family, I have an absentee father at that time. So ayun, nag-Oasis kami. That’s when things settled down na,” lahad ng veteran star.
Taong 1980 nang magsimula ang love story nina Christopher at Sandy at nagpakasal sila noong 2001. Last 2022, nag-celebrate sila ng kanilang 42nd anniversary.
Biniyayaan sila ng limang anak – sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.
Nag-renew naman sila ng kanilang wedding vows sa Halong Bay sa Vietnam noong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.