Sandy Andolong 5 years nang ine-enjoy ang ‘second life,’ nagpasalamat kay Boyet
IBINANDERA ng veteran actress na si Sandy Andolong ang pagpapasalamat sa Diyos dahil limang taon na niyang ine-enjoy ang kanyang “second life”.
Kasalukuyan pa ring naka-home quarantine ang aktres pati na ang isa niyang anak at kasambahay matapos mag-positibo sa COVID-19 ang asawang si Christopher de Leon.
Balitang nakalabas na ng ospital si Boyet matapos manatili ng ilang araw sa ospital. Patuloy pa ring nagpapagaling ngayon ang aktor sa kanilang tahanan.
Ayon kay Sandy, itinuturing pa rin niyang milagro ang kanyang paggaling noong 2015 matapos sumailalim sa kidney transplant. At sa ngayon, patuloy pa rin silang nagdarasal para sa kanilang kalusugan at sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng litrato nila ni Boyet na tinawag niyang “Ahava,” isang Hebrew word na ang ibig sabihin ay “love”.
“Today is the 5th anniversary of my 2nd lease in life. Thank you, Ahava, for always making me feel specially loved and cared for,” caption ni Sandy.
Samantala, patuloy namang ipinagdarasal ng mga taga-showbiz ang tuluyang paggaling ni Boyet mula sa COVID-19.
“Tingnan nila test result niya uli sa COVID. Kasi, mukhang rhinitis at allergy lang yung nakita, no other symptoms.
“Kahit mag-positive, pauuwiin din siya para sa house na mag-quarantine for another week. Di na necessary daw to stay sa hospital dahil malakas siya,” sabi ni Sandy sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.