Mika tinaray-tarayan noon si Nash pero na-in love nang bongga!

Mika tinaray-tarayan noon si Nash pero na-in love nang bonggang-bongga!

Reggee Bonoan - June 04, 2024 - 07:40 AM

Mika tinaray-tarayan noon si Nash pero na-in love nang bonggang-bongga!

Nash Aguas at Mika dela Cruz

HINDI pala sa “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN unang nagkita at nagkakilala ang bagong kasal na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz kundi sa pelikulang “Tiyanaks” ng Regal Films.

Ang “Tiyanaks” na ipinalabas noong Hulyo, 2007 ay idinirek ni Mark Reyes at pinagbidahan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Lotlot de Leon, JC de Vera, Rica Peralejo at marami pang iba.

Ito ang kuwento nina Nash at Mika kay Bernadette Sembrano-Aguinaldo na bukod sa pagiging host ng “TV Patrol” ay isa ring content creator.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Base sa panimulang kuwento nina Nash at Mika ay pareho silang tiyanak sa pelikula at mortal nang magkaaway at naglulunuran sa Daranak Falls na ipinakita nga sa old footage sa YouTube channel ni Ate B.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natawang sabi ni Bernadette, “What a way to meet your future, naglulunuran sa falls ng 4 a.m. dahil tiyanak sila pareho.”

Back story muna tayo na akala ng lahat ay sa “Goin’ Bulilit” nagkita sina Nash at Mika pero hindi pala dahil ang aktor at politiko ay pumasok sa nasabing programa taong 2005-2011 at si Mika ay 2007-2011 at marahil later ng 2007 na sila uli nagkita pagkatapos ng “Tiyanak” shoot kung saan naging inseparable na sila.

Sa simula ng video ay eksklusibong nakapanayam ni Bernadette ang Aguas couple sa bahay na ipinatayo pa noon ni Nash sa Cavite para gawing Airbnb at dahil nagpapagawa pa sila ng sarili nilang bahay ay doon muna sila nakatira.

Baka Bet Mo: Mika, Nash naghiwalay ng 6 na buwan, nanghingi ng ‘sign’ bago magbalikan

Sa mga hindi nakakaalam ay build and sell ang isa sa negosyo ni Nash sa tulong ni Mommy Cinneth V. Aguas bukod pa sa kanyang Ramen restaurants at itong airbnb.

Reaksyon ni Bernadette nang makita ang bahay, “Ang cute parang bahay-bahayan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Nash, “Ito po ‘yung pinuntahan n’yo last year (ginagawa pa lang). Si misis, siya ang nag-design ng lahat, pero ang finishes ako na.  Dito muna kami habang tinatapos ang bahay (Nueva Ecija) kasi doon talaga kami and dito muna kami, this is airbnb business.”

Friends in love ang peg nina Nash at Mika na simula sa puppy love ay nagtapos sa greatest love na sabi nga ni Mrs. Aguas, “Magkaibigan po talaga kami na tinatarayan ko talaga siya noon at iyon ang tumatak sa kanya na mataray ako pero hindi niya alam na tinitingnan ko rin siya pag hindi nakatingin at makikita po iyon sa mga videos and pictures (mga bata pa sila).”

Sagot ni Nash, “Opo mataray talaga siya, tapos ngayong nakita ko na ‘yung old photos, ‘oo nga ‘no? Bakit hindi ko napansin ‘yun?’ Ang taray-taray talaga nito sa akin, parang walang ounce ng pagkagusto pero ngayong tinitingnan ko (pictures) meron pala?”

At dahil nagsimula ang love nila sa isa’t isa sa edad 10 kaya natanong ni Bernadette kung nagkasawaan sila? “Hindi po kasi if you love someone choice (ko) siya, eh. You have to choose your partner everyday,” say ni Nash.

Sabi naman ni Mika, “Saka we enjoy po talaga (magkasama), ever since sa Bulilit, fun po talaga (kami) ewan ko swak talaga everything (ipinakita mga kulitan videos noong mga bata pa sila).”

Inalala ng dalawa na lahat ng milestone ni Mika ay present si Nash na napansin ng Kuya Edward (noong buhay pa) na malapit sila kaya sinabihan siya ng, “Masyado pang maaga.”

“Natakot ako kasi bunso kaya pinush-away ko siya at sinabi ko hindi ko siya crush,” natawang alaala ng wifey ni Nash.

At nu’ng itinaboy ni Mika si Nash ay lumipat siya ng TV network (GMA 7), “Nu’ng time na ‘yun siyempre kids kami at the same time isipin n’yo naman 11 o 12 anong alam namin sa emosyon o sa feelings na nararamdaman namin,” paliwanag ni Nash.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Konsi Nash, “Sa chapter of our lives parang crush na natapos, pero on a deeper sense ngayon lang naming nari-realize na much more pero like for you to leave meron talagang lalim doon with the relationship.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending