Ronnie malapit nang maging commercial pilot, pasado sa exams

Ronnie Liang malapit nang maging commercial pilot, nakapasa sa exams

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 12:15 AM

Ronnie Liang malapit nang maging commercial pilot, nakapasa sa exams

Ronnie Liang

KUNG may isang male celebrity na matatawag na “lalaking walang pahinga“, yan ay walang iba kundi ang singer-actor na si Ronnie Liang.

In fairness, magaling mag-balance ng kanyang oras at panahon si Ronnie dahil sa kabila ng super busy niyang schedule ay talagabg nakapaglalaan pa siya ng oras sa iba pa niyang pinagkalaabalahan.

At ngayon nga, makalipas ang mahaba-habang panahon ay malapit na rin siyang maging isang licensed commercial pilot.

Baka Bet Mo: #IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa

Sa kanyang Instagram at Facebook post, nagpasalamat si Ronnie sa Pilipinas Space and Aviation Academy, Inc. dahil malapit na niyang makamit ang isa sa matagal na niyang pangarap.

“After enduring numerous sleepless nights preparing for my exams, I have at last completed and passed all the knowledge tests mandated by the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) as a crucial step toward obtaining my Commercial Pilot License. All glory to God for this achievement!” simulang mensahe ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


Patuloy pa niya, “And I would like to thank Pilipinas Space and Aviation Academy, Incorporated for helping me to achieve my dream of becoming a Commercial Pilot.”

Bata pa lang ay pangarap na talaga ng OPM artist na maging isang piloto. Matatandaan na sinabi niya na kapag may dumadaang eroplano ay namamangha siya noon.

Tinatapos ni Ronnie ang flying hours para maging isang ganap na commercial pilot.

Malaki ang pasasalamat niya sa Pilipinas Space and Aviation Academy, Inc. na siyang gumabay sa kanya bilang piloto. Maganda rin kasi ang programa na ino-offer ng nasabing aviation school para sa mga gustong mag-pilot.

Baka Bet Mo: Bakit hindi natatanggap noon sa mga TV commercial si Ryan Agoncillo?

Iba rin ang kasipagan at dedikasyon ni Ronnie sa lahat ng kanyang ginagawa na nagsimula nga sa showbiz bilang singer. Ilang auditions ang kanyang sinalihan noon. Naging judge pa siya ng hit singing competition na “Sing Galing” sa TV5.

From his hit song na “Ngiti,” nakapag-release rin siya ng iba pang awitin tulad ng “Para Lang Sa’yo,” “Pakisabi Na Lang,” “Closer You and I,” at ilang Christmas songs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently ay naging bahagi rin ang singer-pilot ng GMA series na “Abot Kamay na Pangarap,” kung saan gumanap siya bilang Dr. Maniego. Ilang netizens ang nakapansin sa husay at napakanatural niyang pag-arte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending