Ronnie Liang pinatunayang tahimik na sa Basilan: Hindi ako natakot!
PINATUNAYAN ng actor-singer at sundalong si Ronnie Liang na maayos at tahimik na ang isla ng Basilan na matatagpuan sa Mindanao.
Naikuwento sa amin ng OPM artist at sa ilan pang piling miyembro ng entertainment media ang pagpunta niya sa Basilan na kilala noon bilang magulo at nakakatakot na probinsya.
March 4 nagtungo si Ronnie sa Basilan bilang bahagi ng kanyang pagiging isang military reservist, “I was invited and sent by the Philippine Army to Basilan’s 50th Founding Anniversary. Kumanta ako saka nag-deliver ng speech.”
Baka Bet Mo: Ano ang kuwento sa likod ng evergreen tree ni Ali Sotto sa Spain na ipinangalan sa yumaong anak na si Miko Sotto?
“Actually, nu’ng nakatanggap ako ng tawag mula sa headquarters ng Army, ‘Ronnie, ipapadala ka namin sa Basilan.’
View this post on Instagram
“Actually, na-excite ako. Wala akong naramdamang anumang kaba o takot dahil actually pangarap ko talagang mapuntahan ang Basilan,” pagbabahagi ng binata.
“Elementary pa lang ako, napapanood ko na siya sa TV, napapakinggan ko lang sa radio, nababasa sa mga libro. And it’s a dream come true na nakabisita ako sa Basilan.
“Para makita talaga, ma-witness ko mismo kung ano… what Basilan has become,” aniya pa.
Four days din daw siyang namalagi sa Basilan, “Tayo po ay na-invite mag-perform and then pumunta sa iba’t ibang state colleges to deliver inspirational speeches and, at the same time, to encourage everyone to support ROTC, yung mga iba’t ibang battalions ng army and tourist spots ng Basilan.
“Nagulat ako, maunlad ang Basilan. May Jollibee pa, tapos ang ganda ng daan, aspalto pa, traffic din. Meaning pag traffic, maunlad yung lugar.
“Yung mga tao hindi takot lumabas. And then nag-try akong kumain ng street food, mag-tricycle, mag-commute. Ang ganda ng lugar and na-realize ko, there has to be more to be done.
View this post on Instagram
“I have to do more maliban sa pagkanta doon sa anniversary. Actually, nag-volunteer ako to help them to promote yung tourist spots nila,” sabi pa ng “Ngiti” hitmaker.
Nilinaw nga ng singer ang iniisip ng iba na nakakatakot at magulo sa naturang probinsya, “Maganda at peaceful na. And thanks to the members of the Armed Forces in collaboration with the local government, na-achieve yung kapayapaan na inaasam.
“And iyon nga, nag-volunteer ako to help them to promote Basilan. Kung kailangan nilang mag-video recording kami para sa advertisements or mag-pictorials para sa billboards nila or gumawa ng kanta to tell the story ng Basilan, I am very willing,” pahayag ni Ronnie.
“Actually, isa ito sa mga sinumpaan kong tungkulin and isa sa mga na-e-enjoy ko ay napupuntahan ko yung usually hindi natin napupuntahan.
“Nagpunta ako sa Sulu, nagpunta ako sa Basilan, sa Lanao. And it’s a humbling and life-changing experience dahil nakikita ko kung ano ang nangyayari sa ground.
“Tsaka mas lalo akong nagiging thankful sa mga blessings na natatanggap ko dahil nakikita ko sila, yung mga ilang mahirap na probinsiya, yung pinagdaanan nila compared sa atin dito sa Maynila, or dito sa Luzon.
“And at least I know, itong ibinigay ni God sa akin na talent sa pagkanta at influence sa pagiging isang artista, magamit siya to give glory to God and to serve our people. Na maibalik ko yung ibinigay nila sa akin na pagkilala, suporta through this way na makagawa tayo ng kawanggawa sa mga kababayan natin, especially sa pagtulong sa kanila.
“Alam naman natin na ang reservist, walang suweldo ang reservist, volunteer kami.
“Pero yung makita namin na masaya yung mga tinulungan namin, yung mga pinaglingkuran namin, priceless experience para sa akin. That’s our incentive, that’s our reward,” ang sabi pa ni Ronnie.
Bukod sa pagtalima sa mga sinumpaang tungkulin bilang sundalo, busy din ngayon ang binata sa kanyang singing career. Sa katunayan, nai-release na ang bago niyang single sa iba’t ibang digital music platforms.
Ito ay ang “Para Lang Sa ‘Yo” na unang pinasikat ni Ice Seguerra. Ido-donate ng binata ang kikitain ng bago niyang kanta sa itinatag niyang Project Ngiti Foundation na nagbibigay tulong sa pagpapa-surgery ng mga batang may bingot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.