Marco Gumabao napapadalas sa CamSur, tatakbong kongresista sa 2025
SA mga anak ng dating congressman ng 3rd District ng Quezon City na si Dennis Roldan na nagsilbi mula 1992-1995, ay si Marco Gumabao ang planong sumunod sa kanyang yapak.
Kaya pala madalas ding napagkikitang naglilibot ngayon si Marco sa Camarines Sur o CamSur ay sa dahilang plano nitong tumakbong kongresista sa 4th district.
Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
Bungad ni Ogie, “Confirmed na Loi na tatakbong congressman sa District 4 sa CamSur o Camarines Sur ang guwapong aktor na si Marco Gumabao.
“Madalas siyang nakikitang bumababa-baba sa mga barangay (sabay pakita ng mga larawan ni Marco sa tarpaulin kasama ang mga taga-Camsur tulad ng projects na Food Assistance, Barangay Serbisyo, Calamity, Nuptial o binyagan bayan at iba pa.
View this post on Instagram
Dagdag pa, “Tagaroon din naman ang mga Imperial, si Marco Imperial Gumabao. Sabi sa akin ni Marco noon pa niya pangarap maging isang public servant at sa district 4 ‘yan na may 10 bayan yata ‘yan kung hindi ako nakakamali, tama ako?”
Ang CamSur ay nasa Eastern Camarines at ang mga bayang sakop nito ay ang Caramoan, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Presentacion, Sagñay, San Jose, Siruma, Tigaon at Tinambac.
Pagpapatuloy ni Ogie, “Ayon sa akin source ay napakasipag ni Marco magbaba-baba diyan sa mga ‘yan (barangays). At si Marco naman ay nakausap ko pero hindi masyadong makuwento pero kilala ko siya at na-sense ko na tatakbo nga.
“At saka in fairness dito naman sa showbiz ay mabait si Marco. Wala naman siyang nakaaway dito saka people person naman ‘yan.
Baka Bet Mo: Anjo sumaklolo sa 2 rider na naaksidente sa Camsur; nagmando pa ng trapik
“Kaya naman napakasipag bumababa-baba doon at natatandaan natin that same district din tumakbo si Aga Muhlach saka muntik ng tumakbo si Anjo Yllana,” sabi pa ng online host.
Speaking of Aga ay hindi siya nanalo noong kumandidato siyang congressman sa CamSur na probinsya ng namayapa niyang inang si Gng. Anita Adis Aquino taong 2007.
Simula nang matalo si Aga ay hindi na siya nag-attempt na balikan ang politika at hangga’t maaari ay ayaw na rin niya itong pag-usapan pa dahil hindi maganda ang naging experience niya.
Usap-usapan naman ng mga taga-CamSur noon na “dinaya” ang aktor lalo’t uso noon ang brownout.
Si Anjo naman ay nakapag-file na rin ng kanyang candidacy sa parehong distrito ng CamSur pero umatras dahil nagkaroon ng problema sa pondo na naipangako sa kanya pero hindi niya nakuha.
Kaya pag natuloy si Marco ay siya ang ikatlong aktor na kakandidato sa CamSur.
Say ni Ogie, “Goodluck Marco Gumabao at sana nga pag ikaw ay nabigyan ng pagkakataon ng iyong mga constituents diyan ay ‘wag mong sayangin ang kanilang mga boto and I’m sure masusulit naman ang mga boto nila kung ikaw ay sure na sure na at wala ng atrasan.”
View this post on Instagram
Tsinek namin ang Instagram post ni Marco at naging host pala siya roon sa ginanap na Miss Kaogma 2024 noong Mayo 27.
Ang caption ni Marco sa kanyang video post, “Always a good time here at Kaogma festival! Maogma akong mahiling ang mga kapwa Bikolano digdi sa Camsur! Kahit na makusog ang uran, yaon pa din po kamo at naki saya samuya!
“Tuloy tuloy parin ang saya hanggang May 27! Thank you Gov @vincenzo.luigi sa masayang linggo ng kaogmahan,” sabi ng aktor at boyfriend ni Cristine Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.