Anjo sumaklolo sa 2 rider na naaksidente sa Camsur; nagmando pa ng trapik | Bandera

Anjo sumaklolo sa 2 rider na naaksidente sa Camsur; nagmando pa ng trapik

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 09:11 AM

PINUSUAN at hinangaan ng maraming netizens ang ginawang pagtulong ng TV host-actor na si Anjo Yllana sa mga naaksidenteng motorcycle rider nitong nagdaang Sabado.

Hindi nagdalawang-isip si Anjo na tulungan ang dalawang taong nakasakaya sa motor na sumalpok umano sa isang truck sa Camarines Sur noong June 12, Independence Day.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ng aktor ang ilang litrato na kuha sa pinangyarihan ng aksidente. Makikita rito ang mga biktima na nakahandusay na sa kalye.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Anjo, kitang-kita na pinakakalma niya ang mga motorcycle riders habang hinihintay ang pagdating ng tulong mula sa pinakamalapit na medical facility.

Sabi ng aktor sa caption ng ipinost niyang mga litrato sa FB, “Attending to casualties of motorcycle vs truck vehicular accident in Sipocot, Camsur.”

Pinaalalahanan din niya ang lahat ng mga nagmo-motor na palaging mag-ingat kapag bumibiyahe lalo na sa mga highway at daanan ng mga malalaking truck.

“Please lang sa mga nagmomotor hindi po parte ng motor ang katawan niyo lagi kayo magiingat po,” mensahe pa niya.

Pinasalamatan din ng TV host-comedian si Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte sa mabilis nitong aksiyon para matulungan agad ang mga biktima.

Sa isa pa niyang post sa FB, ipinakita rin ni Anjo ang nakunang video kung saan minamando naman niya ang traffic na nilikha ng naganap na aksidente.

Sa mga hindi pa nakakaalam, regular ngayon ang pagpunta ni Anjo Bicol kasama ang kapatid na si Jomari Yllana at ang girlfriend nitong si Abby Viduya, dahil  ipinaaayos nila ang kanilang ancestral home doon.

May Facebook post pa nga si Anjo kung saan ibinandera niya sa publiko ang kanilang family house sa Bicol at sinabing ang mga kapitbahay daw nila ngayon doon ay mga baka at kalabaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Welcome to my humble house in the middle of the street (laughing emoji) meet my neighbours cows and carabaos (laughing emoji) @ Tinambac, Camarines Sur,” ang caption ng aktor sa litrato nila nina Jomari at Abby na kuha sa kanilang ancestral house.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending