Joem, Meryll nag-sorry sa isa’t isa bago mabigyan ng 2nd chance
NAGPALITAN ng sorry at nagkapaliwanagan sina Joem Bascon at Meryll Soriano nang muling magkrus ang kanilang landas matapos maghiwalay ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Naibahagi nina Joem at Meryll ang mala-teleseryeng plot twist ng kanilang love story na nabigyan nga ng second chance at mukhang sa kasalan na rin mauuwi.
Kuwento ni Joem, inayos muna niya ang sarili habang si Meryll naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa. Feeling ng aktor, hindi pa talaga sila mature ni Meryll noong mga panahong yun.
“Siyempre mga bata pa, may mga kaniya-kaniya pang gustong gawin sa buhay,” sey ni Joem.
View this post on Instagram
Lumipad daw si Meryll sa London para mag-aral at pansamantala munang tumigil sa showbiz at itinuloy na niya ang pagsabak sa mundo ng showbiz.
“Nag-decide kami na hindi kami magtutuloy together. Iniwan niya ako bigla,” ang joke ni Joem sa aktres.
Patuloy pa niya, “Mabigat siya sa akin noong time na ‘yon kasi hindi ko maintindihan kung bakit maghihiwalay. Siyempre bata pa ako noon, gusto ko siyang makasama noong time na iyon.”
Nag-effort naman daw si Joem na ma-save ang relasyon ni Meryll pero feeling niya hindi raw epektib sa kanila ang LDR o long-distance relationship.
“I really had to accept lang. The next day I just worked and worked and worked. Ang dami kong natutunan with myself, ang dami kong natutunan sa mundo, to be a better person kung sakali mang magkakabalikan kaming dalawa,” pahayag ni Joem.
Baka Bet Mo: Joem natanggap ang ‘biggest blessing’ sa panahon ng pandemya; ‘The Other Wife’ kabit movie with a twist
“Inayos ko muna rin talaga ang sarili ko. Pero it took me a very, very long time,” aniya pa.
Hanggang sa muli nga silang pagtagpuin ng tadhana at magkasama sa isang project, “I think it’s the time na nagkaroon kami ng chance to talk. I was able to apologize.
“Nagkaroon kami finally ng closure after all those years, after a decade,” ani Meryll.
“Nagkaroon lang ako ng feeling na mag-sorry ako, kailangan kong mag-sorry kasi alam ko kung gaano kahirap ‘yung nangyari, ‘yung recovery,” dagdag ng aktres.
“Siguro at that time it just felt so natural to say I need to say I’m sorry,” aniya pa.
View this post on Instagram
“Noong nagkaroon ng closure, nagkaroon ng opening,” sabi uli ni Meryll.
Pagbabalik-tanaw naman ni Joem, “Lumabas na kami with friends. Kasi wala na, tapos na rin ‘yung work namin sa film.”
“Tapos we’re very careful sa sarili naming nararamdaman kasi baka mamaya, ano ba ito, nae-excite lang?” saad ni Meryll.
Para naman kay Joem, “Tsaka ayoko kasing madaliin din, kasi coming from a relationship na nagkagulo and everything, gusto kong maging mas maayos, mas tahimik lang ‘yung buhay naming dalawa noong nag-usap kami during that time.
“Slowly, hindi namin minadali ang isa’t isa,” sabi pa ni Joem.
Matatandaang naghiwalay sina Joem at Meryll noong 2009 at nagbalikan noong 2020. Taong 2021 naman nang ibandera nina Meryll at Joem na meron na silang baby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.