Divina Valencia sa FAMAS: Ibalik lahat ng gastos ni Eva Darren

Divina Valencia sa FAMAS: Dapat ibalik lahat ng gastos ni Miss Eva Darren

Ervin Santiago - May 29, 2024 - 12:50 AM

Divina Valencia sa FAMAS: Dapat ibalik lahat ng gastos ni Miss Eva Darren

Marissa Delgado, Divina Valencia at Eva Darren

MATAPANG na ipinagtanggol ng movie icon na si Divina Valencia ang kapwa veteran actress na si Eva Darren sa nangyaring kontrobersya sa 72nd FAMAS Awards Night.

Dismayado at galit na galit din si Divina Valencia sa pagkakatanggal kay Eva Darren sa listahan ng mga celebrities na magpe-present ng award sa naganap na gabi ng parangal.

Kasama sana ni Tirso Cruz III si Miss Eva na magpe-present ng isang award pero bigla nga siyang pinalitan ng isang baguhang singer na si Sheena Palad.

Baka Bet Mo: FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

Ayon kay Miss Divina, na nakaupo sa tabi ni Miss Eva that night, nagulat na lang sila nang hindi na tinawag sa awarding ceremonies ang beteranang aktres.

Kasunod nito, bigla na ngang nagpaalam sa kanya si Miss Eva at sa isa pa nilang kasamahan sa table na si Marissa Delgado.

“Nagtatawagan na, wala akong alam sa nangyayari. Tapos matagal na sabi ko, mare bakit hindi ka tinatawag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nu’ng ano, tumayo na siya ‘aalis na kami.’ Sabi ko bakit ka aalis hindi ka pa tinatawag sabi niya ay hindi na hindi, ay parang upset,” pahayag ni Miss Divina sa ulat ng ABS-CBN.

Tuluyan na nga raw umalis si Eva Darren kasama ang kanyang tatlong apo na sobrang excited pa namang makita on stage ang kanilang lola.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik daw sa table nila ang isa sa mga apo ni veteran star at iniabot ang isang envelope.

Pakiusap daw ng apo ni Eva Darren, pakibalik na lang daw ang envelope sa isang nagngangalang Renz (ang PR officer ng event).

Baka Bet Mo: Sino nga ba ang veteran actress at movie icon na si Eva Darren?

Ayon pa kay Divina Valencia, imposibleng hindi makita ng mga organizer ng FAMAS si Eva Darren sa venue ng awards night dahil nandu’n lang daw ang table nila.

“Bakit hindi mo hinanap si Eva na isa sa mga presenters ba kasama ni Mr Tirso Cruz? Bakit sinabing hindi nakita? Hindi katanggap-tanggap sa amin yun, kasi andun lang ang lamesa namin, eh,” aniya.

Sabi pa ni Miss Divina sa President ng FAMAS, “Masakit para sa anak, at sa mga apo na inaasahan nila na gumastos ng ganu’n make up, hairdo, damit, driver, gas etcetera etcetera.

“Dapat lang Madam Famas, ibalik mo lahat nang nagastos ni Miss Eva Darren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung kahihiyan hindi niya na maibabalik yun, habang buhay nang kahihiyan yun. At hindi lang sa kanya, kungdi kahihiyan ng anak niya at mga apo niya,” dugtong ng palabang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending