Singer na pumalit kay Eva Darren sa FAMAS umaray sa batikos

Singer na pumalit kay Eva Darren sa FAMAS umaray matapos mabatikos

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 04:35 PM

Singer na pumalit kay Eva Darren sa FAMAS umaray matapos mabatikos

PATI ang baguhang singer na Sheena Palad ay nadamay sa galit ng mga netizens sa pambabastos umano ng FAMAS sa veteran actress na si Eva Darren.

Si Sheena ang ipinalit sa beteranang aktres para mag-present ng isang kategorya sa naganap na 72nd FAMAS Awards Night nitong nagdaang Linggo matapos ngang magkaaberya sa event.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa buong showbiz industry at sa social media ang nagawang sablay ng FAMAS organizers kay Eva Darren.

Marami ang kumampi at nakisimpatya sa veteran star nang maglabas ng hinaing ang anak nitong si Fernando de la Pena matapos ang pambabalewala at pambabastos na naranasan umano ng kanyang ina mula sa naganap na awards night.

Baka Bet Mo: FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nag-sorry na ang FAMAS kay Eva Darren at sa pamilya nito at tinanggap naman ng anak ng aktres ang public apology ng mga taong nasa likod ng nasabing award-giving body.

Pero sa gitna nga ng isyung ito, nadamay din sa pambabatikos ng netizens ang newcomer na singer na si Sheena Palad na kung tutuusin ay wala naman daw talagang kasalanan sa nangyari.

Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Sheena, siya ang nakababatang kapatid ni Felson Palad, ang asawa ni Donita Rose.

Isa siya sa mga grand finalist sa “Tanghalan ng Kampeon” ng Kapuso show na “TiktoClock”. Napanood din siya noon sa talent search ng “Eat Bulaga” na “Bida Next.”

Dahil sa natatanggap na batikos, napilitan na ring magsalita si Sheena sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa Facebook at Instagram.  Mapapanood din sa video si Johann Enriquez, ang boyfriend ni Sheena na isa sa mga naging host ng 72nd FAMAS Awards.

Paliwanag ni Sheena, “Just to clear the story lang po siguro, because I’ve been receiving messages and also before anything else, I would like to say thank you to my friends and family who messaged me directly and asked me about the situation, what I am feeling right now.

“Salamat po sa inyo. Actually, du’n ako naiiyak, e, kasi nakikita ko yung mga kaibigan ko talaga na talagang caring sa career ko, sa life ko, sa journey ko,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “I was chosen. I was called by the organizers to perform for the dinner pleasure.

“Yun po yung una, so the dinner pleasure is the entertainment for the dinner time. So I sang two songs nung time po na yun.

“And that’s what I’m wearing, the yellow dress. So what happened was, eto na po, nagpalit na po ako ng damit. Nagpalit na po ako, second na damit ko na, kulay itim, glitz and glamour,” sabi ng singer.

“And then, dumating po ako doon, naka-standby po kami. Tapos po, nung naka-standby po kami, we were called earlier sa backstage, kami pong tatlo (ng hosts).

“And then, nung naka-standby, nakaupo po ako, pinuntahan po ako ng staff. Nu’ng pinuntahan po ako ng staff, sabi niya, ‘Sheena, can we ask a big favor from you?’

“Sabi ko, ‘Yes, what’s that?’ Tapos sabi niya, ‘Can you present the awards?’ Sabi ko, ‘Okay, sige, sige, no problem.’

“That’s it. Yun lang po yung alam ko, at hindi ko po alam na si Miss Eva yung magpe-present po,” paliwanag pa niya.

Dagdag pang explanation ni Sheena, “Actually, nu’ng time na yun, I was clueless. Hindi po kasi ako nanonood nung awards night because I was in the holding area, so hindi ko po alam kung paano mag-present.

“And if you’re gonna be reviewing the videos, nakakatawa pa nga, we were laughing about it because I mispronounced the name of Kuya Germs. German Moreno, which I said na sa sobrang kaba ko ang nasabi ko, Jerman Moreno.

“Siguro yun yung isa sa mga pinakakabado, e, magbabasa lang naman ako, kasi nga I was not prepared. Hindi ko man lang po nabasa yung script. As in, wala po talaga,” aniya.

Hindi raw niya magets kung bakit pati siya ay inaaway ng netizens, “Kasi before the production, bumaba na po yung dating presenter, kami na po yung sumunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang instruction lang po sa akin is, ‘Sheena, you’re gonna present after you sing the production number. So, sabi ko, ‘Okay po, sige po.’

“So sabi niya, ‘Once you’re done with the production, punta ka na du’n sa gilid and Sir Tirso will be with you.’ So, sabi ko naman, ‘Okay, sige po, yun lang. So I was just following instructions,” sabi pa ni Sheena.

Ito naman ang mensahe niya sa isyung kanyang kinasasangkutan, “I hope that you are enlightened with the situation. Sana nasagot namin ang lahat ng tanong ninyo. Thank you, guys.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending