Mika, Nash bumibili na ng furniture para sa kanilang love nest

Mika, Nash nagsa-shopping na ng furniture para sa kanilang ‘love nest’

Ervin Santiago - May 28, 2024 - 12:15 AM

Mika, Nash nagsa-shopping na ng furniture para sa kanilang 'love nest'

Nash Aguas at Mika dela Cruz

ENJOY na enjoy ang bagong kasal na celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz sa paghahanda sa kanilang “love nest.”

Pagkatapos ng kanilang intimate wedding last May 18 sa Adriano’s Events Place sa Tagaytay ay naghahanda naman sina Mika at Nash para sa titirhan nilang bahay.

Nagbigay ng update si Mika sa madlang pipol tungkol sa mga bagong kaganapan sa pagsasama nila ni Nash isang linggo pagkatapos ng kanilang kasal.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ng sisteraka ni Angelika dela Cruz ang ilang litrati at video habang namimili sila ni Nash ng mga furniture.

Ito’y para nga sa lilipatan nila ng asawang si Nash na bagong bahay kung saan sila magsasama at bubuo ng sariling pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mika dela cruz まりこ (@mikadlacruz)


Sey ni Mika sa caption, “Officially 1 week in as Mr. & Mrs. @zackwey (wedding ring emoji) Life update: here we are furniture hunting & just casually testing out mattresses the ‘VALEVAG style.'”

Sabi pa ng Kapuso actress, super excited na sila ni Nash na manirahan sa bago nilang tahanan, “Can’t wait to move into our first home… soon.”

Nauna rito, ibinahagi rin ni Mika ang palitan nila ni Nash ng wedding vow kung saan pareho silang naging emosyonal.

Sa wedding vow ni Nash ay inalala niya ang naging journey nila ni Mika mula noong una silang magkakilala hanggang sa maging magkarelasyon sila.

Amin niya, tatlong beses raw siyang na-in love sa kanyang asawa. Unang beses raw siyang nahulog kay Mika ay noong child stars pa sila.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Sumunod ay noong 2018 kung saan nagsimula ang kanilang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend. Ikatlo ay noong matapos silang mag-break ngunit eventually ay natagpuan ring muli nina Nash at Mika ang daan patungo sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


“To you my love, I will not promise all the things of the world for we will leave it here. I will not promise riches for they will fade but I promise you this—I will promise you joy even through suffering.

“I will promise you peace in all circumstances and I promise to always point you back to Him whenever it seems so hard.

“And, I promise to love you even [when] you don’t anymore because that’s how He loves me and I love you,” ang promise ni Nash kay Mika.

Mensahe naman ni Mika sa asawa, “Ang galing mo nga kasi hindi pa tayo Mr. and Mrs. noon but you are already leading me. Kaya I’m sure you will be the best leader to our future family, future kids.

“Mahal na kita noong binubuhat mo ang bag ko sa kahabaan ng Great Wall of China at sa kahabaan ng Asian cruise ng ‘(Goin’) Bulilit’ kahit napakabigat ng dala ko pati nung binilhan mo ako ng green mermaid ballpen sa Singapore.

“Love, salamat sa lahat at sa hinaba-haba. Ikaw ang unang crush ko at ang huling mahal ko. I love you love so, so, so much.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is the start of our life together, our forever and I’m so blessed to be your Mrs. Victoriano,” pahayag pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending