Rocco pina-background check ni Melissa; first date memorable

Rocco pina-background check ni Melissa; may nadiskubre sa first date

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 08:56 AM

Rocco pina-background check ni Melissa; may nadiskubre sa first date

Rocco Nacino, Melissa Gohing at Ezren Nacino

PINA-BACKGROUND check talaga ng volleyball athlete na si Melissa Gohing ang asawa niyang si Rocco Nacino noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.

In fairness, pang-romcom din pala ang naging takbo ng love story nina Rocco at Melissa na kanilang ibinahagi nang mag-guest sila kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Nag-start daw ang lahat nang ma-invite noon si Rocco na manood ng volleyball game kung saan isa sa mga player si Melissa.

Baka Bet Mo: Rocco pinuri si Melissa bilang asawa’t ina, bilib sa lahat ng nanay: ‘Us men salute you for all sacrifices you make for your children’

Pag-amin ni Melissa, hindi siya agad na-attract kay Rocco sa una nilang pagkikita pero pag-amin ng aktor sa na-feel niya nang ma-meet up close and personal si Melissa, “Ako ‘yung may spark!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


“Being someone who is very active and also into sports turn on sa akin ‘yung very athletic and I saw that leader in her, tapos team captain pa siya.

“Kaya talagang iba ‘yung paghanga ko sa kanya. Unang nangibabaw ‘yung paghanga tapos respeto and then biglang, ‘Uy gusto ko siya.’ Tapos nag-message na ako sabi ko, ‘Hi,’” chika ni Rocco.

Ngunit hindi rin daw agad napasagot ni Rocco ni Melissa dahil nu’ng mga unang pagba-bonding nila ay parang kaibigan lang talaga ang turing ng atleta sa kanya.

“It took me a while kasi bino-‘bro’ niya ako,” sabi ni Rocco na agad namang dinepensahan ni Melissa.

“No, kasi I have a guy best friend. So I’m used to be friends with the guys so, ‘Yeah dude.’ Hindi ko siya nilagyan ng meaning kasi sanay ako na maraming guy friends,” pahayag ni Melissa.

Diretsahan ding sinabi ni Melissa kay Rocco sa kauna-unahan nilang date na isang serious relationship ang hinahanap niya at hindi lang pang-playtime.

Baka Bet Mo: Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw…

“Sa first date namin sabi ko sa kanya, I’m looking for a husband not just a play by play boyfriend, I told him na diretso kasi that time I was too busy and everything was doing right in my career,” pagbabahagi pa ni Melissa.

Reaksyon naman ni Rocco, “Nu’ng time na ‘yun I was done looking for myself. I was single for more than a year.

“So doon ko nasabi na maybe ready na ako, kung sino ang makilala ko and okay lahat let’s see how it goes,” sabi pa ng aktor.

May isa pang pagsubok na ginawa si Melissa kay Rocco sa kanilang first date nang niyaya niya itong manood ng play na “Wicked.” Sabi raw niya sa sarili, kapag naglabas ng cellphone ang aktor habang nanonood sila ay iiwan niya ito.

Pero talaga raw nakatutok sa panonood ng play ang aktor at doon na nga na-feel ni Melissa ang spark, “Alam mo ‘yung connection sa movies, we had that.”

Mas nadagdagan pa raw ang pogi points ni Rocco nang magpunta sila sa Tokyo, Japan, kung saan mas nakilala pa nila ang ugali ng isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


“I think he’s the one, napaganu’n ako. I think siya na talaga, e. Like I will not find another man like him na sobrang same kami, same wavelength.

“Hindi kami nag-away a, that was a two-week trip. And usually ‘di ba ‘yun ‘yung challenge nila e, you want to know kung siya na ba?

“Mag-travel kayo tingnan natin kung mag-aaway kayo pero hindi kami nag-away talaga. We are both competitive people. Sobrang competitive namin. He’s like the guy version of me,” aniya pa.

At dito na nga inamin ni Melissa na pina-background check niya ang aktor, “The first few years of our relationship medyo I had to adjust. I had to ask a friend to background check him.

“Okay naman. I mean meron siyang past but he’s a good man, a good son ayun talaga e,” dagdag chika ni Melissa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal noong 2021 sina Rocco at Melissa at October, 2022 naman nang dumating ang first baby nilang si Ezren.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending