Yayang ipinakulong ng showbiz couple may bahay at ‘apartment for rent’ na | Bandera

Yayang ipinakulong ng showbiz couple may bahay at ‘apartment for rent’ na

Cristy Fermin - September 26, 2019 - 12:15 AM

SINO ang may sabi na hindi sinasagot ang mga blind items? Merong ganu’n. Sa mismong kolum na ito namin inilabas ang isang blind item tungkol sa mag-asawang artistang nagpakulong ng kanilang yaya dahil sa pagnanakaw.

Mga alahas ang dahilan, milyunan ang halaga ng mga nawalang alahas ng female personality, ang kanilang yaya ang kinasuhan ng mag-asawa at nakakulong pa ito hanggang ngayon.

Kuwento ng aming source, “Una, hindi totoong maliliit pa ang mga anak nu’ng mag-asawang personalities, e, nasa kanila na ang yaya. Hindi totoo ‘yun, mga seven years pa lang siya nagtatrabaho sa pamilya.

“Ikalawa, totoong siya ang kumuha ng mga alahas, dalawa silang magkakuntsaba, isang maid na siya rin ang nagpasok sa family. Napakasakit para sa female personality ang pagkawala ng mga jewelry niya dahil ‘yun ang mga pinaghirapan niyang ipundar.

“Kapag gumagawa ng serye ang female personality, bumibili siya ng alahas, idino-drawing pa nga niya ‘yun, may sentimental value sa kanya ang mga nawawala niyang alahas,” simulang paliwanag ng impormanteng tumawag sa amin.

Ang naturang yaya pala ang pinagkakatiwalaan ng babaeng personalidad sa pagpapalinis ng kanyang mga alahas. Ito rin ang nakakaalam kung saan nakalagay ang mga iniingatang alahas ng kanyang pinaglilingkuran.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng napansin na ng female personality na nawawalan siya ng mga jewelry, nagsumbong na siya sa husband niya. Iyak siya nang iyak, dahil nga sa sentimental value ng mga ‘yun.

“Walang ibang puwedeng pagdudahan kundi ang yaya dahil siya lang naman talaga ang nakakaalam ng pinaglalagyan ng mga alahas ng female personality.

“Du’n na ipina-background check ng pamilya ang family ng yaya sa kanilang probinsiya. Nalaman sa imbestigasyon na nakapagpagawa na ang yaya ng three-door apartment. Pati ang bahay nila, naipagawa na rin niya at airconditioned pa ang mga kuwarto ng house.

“Umamin siya, minsan lang daw niyang ginawa ang pagkuha ng alahas, pero hindi totoo ‘yun, maraming nawawalang alahas ang female personality.

“Gusto lang namang malaman ng boss niya kung saan napunta ang mga alahas para mabawi niya. Matindi ang alaala nu’n sa kanya, ayaw niyang mawala, dahil pinaghirapan niya sa pagtatrabaho ang mga kinuhang alahas ng yaya,” madiin pang kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parehong sumikat ang mag-asawa bilang mga singers, nasa mundo na ng pulitika ngayon ang male personality, may anak din silang artista.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong makukuha n’yo na ngayon kung sinu-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending