Melissa Gohing nadiskubre ang kakaibang ugali ni Rocco

Melissa Gohing nadiskubre ang ugali ni Rocco na hindi nakita sa ibang lalaki

Ervin Santiago - May 26, 2024 - 08:33 AM

Melissa Gohing nadiskubre ang ugali ni Rocco na hindi nakita sa ibang lalaki

MARAMING nakita at nagustuhang katangian si Melissa Gohing sa asawang si Rocco Nacino na hindi pa raw niya nakita ever sa ibang lalaki.

Isa na nga raw diyan ang pagiging “competitive” ng Kapuso actor na talagang kinabibiliban niya mula pa noong magsimula ang kanilang love story.

“He’s like the guy version of me. I remember when we were walking during our Tokyo trip, sabi ko, ‘Hmmm, he’s the one.’ Siya talaga, eh.’

“I will not find another man like him, na sobrang same kami, same wavelength,” ang naging pahayag ni Melissa sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Naniniwala at sang-ayon ang dating professional volleyball player na ang pagta-travel ang isa sa mga paraan para malaman ng bawat magdyowa kung compatible sila at masabing para talaga  sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw…

Imagine, hindi raw nag-away sina Melissa at Rocco noong magbakasyon sila sa ibang bansa na tumagal ng two weeks.

Sa mga hindi pa nakakaalam, nag-start ang love story nina Rocco at Melissa nang manood ang aktor sa isa volleyball game ni Melissa.

Nagkataon lang daw kasi na may ginawa siyang campaign kasama si Hidilyn Diaz kaya nagdesisyon siyang manood na muna ng game nina Melissa.

Inamin naman ni Melissa na wala siyang na-feel na spark at kilig sa unang pagkikita nila ni Rocco, pero ayon naman sa Kapuso star, una pa lang nilang paghaharap ay may naramdaman na siyang “something.”

“Being someone who is very active and also into sports, turn on sa akin ‘yung very athletic and I saw that leader in her tapos team captain pa siya,” sey ni Rocco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Everything was turn on, plus points para sa akin. So talagang iba ‘yung paghanga ko sa kaniya. Nangibabaw ang paghanga sa respeto. Tapos nag-message na ako, ‘Hi!’” dagdag pa ni Rocco.

Nagpakasal sina Rocco at Melissa noong 2021 at isinilang naman ang first  baby nilang si Baby Raffaello last 2022.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending