Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May 'slow mo' moment effect sa paligid | Bandera

Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid

Ervin Santiago |October 17,2022
facebook
share this

Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 08:11 AM

Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May 'slow mo' moment effect sa paligid

Melissa Gohing, Rocco Nacino at Baby EZ

ILANG araw pagkatapos manganak sa panganay nila ni Rocco Nacino, nagkuwento ang volleyball player na si Melissa Gohing tungkol sa  naging birth experience niya.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbigay ng ilang detalye si Melissa nang manganak siya kay Ezren Raffaello o Baby EZ last October 9 via cesarean section.

“It was easy for Nico & I to decide to have a C-section instead of going through a trial normal delivery,” simulang pagbabahagi ng misis ni Rocco.

Aniya pa, “We would choose to do whatever was necessary to get the baby out safe and healthy.”

Inamin naman ng first-time mom na talagang inatake rin siya ng matinding nerbiyos dahil napakabilis daw ng mga pangyayari matapos pumutok ang kanyang panubigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Gohing Nacino (@gohingmelissa)


Nangyari pa raw ito sa parking lot ng isang shopping mall kung saan imi-meet sana nila ang kapatid ni Rocco. Ang good news, hindi na raw nila kailangang maghintay nang matagal sa delivery prep room bago siya dalhin sa delivery room.

“It was a moment when everything around you slowed down, just like in the movies. Hahaha!” chika pa ni Melissa.

Inilarawan din niya bilang “most magical” moment sa buhay niya nang lumabas na sa kanyang sinapupunan si Baby EZ at marinig na ang pag-iyak nito.

“It took a while for me to hold him in my arms because he was a meconium baby. By God’s grace, he was negative in all of the tests,” aniya.

Ito naman ang message ni Melissa sa kanyang pinakamamahal na hubby na kasali sa pinag-uusapang serye na “Maria Clara at Ibarra,” “I know he’s going to be a great daddy. Now, he is doing everything to be the best daddy for our EZ.”

Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw…

Melissa Gohing isinilang na ang 1st baby nila ni Rocco Nacino: ‘Welcome to the world EZ!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rachelle Ann nag-enjoy sa panganganak: I cannot believe we did it!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending