Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw... | Bandera

Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw…

Ervin Santiago |October 16,2022
facebook
share this

Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw…

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 09:43 AM

Rocco mas tumindi ang paghanga sa mga nanay na nanganak ng CS matapos isilang ni Melissa si Baby EZ: Sobrang sakit daw...

Melissa Gohing, Rocco Nacino at Baby EZ

PARANG eksena pala sa pelikula at teleserye ang panganganak ng asawa ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing last week.

Feeling nasa cloud 9 pa rin ang celebrity couple at first-time parents nang finally ay ma-meet na nila ang kanilang baby boy na si Ezren Raffaello o EZ.

Pagbabahagi ng Kapuso actor at Sparkle star, papunta sila sa isang family gathering noong nakaraang Linggo, October 9, nang biglang mag-break ang water bag ni Melissa.

Ito ang dahilan kaya nag-emergency CS ang kanyang misis kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos dahil parehong safe ang mga ito, lalo na si Baby EZ na very healthy at 7.48 pounds.

Kuwento ni Rocco, maayos na ang kundisyon ngayon ni Melissa at bilang nurse, alam na alam na ng celebrity daddy ang kanyang gagawin para mas maalagaang mabuti ang kanyang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


“Inaalalayan ko siyang tumayo at maglakad kasi sobrang sakit. Hanga ako sa mga mommy lalo na ‘yung mga nag-CS.

“Sobrang mapapagod ka, mainit ulo mo pero kapag nakita mo ‘yung anak mo na nakatingin sa ‘yo at binuhat mo na, nawawala ‘yung pagod,” pahayag ni Rocco sa panayam sa “24 Oras.”

Samantala, abangan ang pag-eksena ni Rocco sa pinag-uusapan at pinupuring GMA primetime series na “Maria Clara At Ibarra” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

Gagampanan niya rito ang iconic  character na Elias sa nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere”. Sey ni Rocco, humingi muna siya ng paternal leave sa GMA bago sumabak sa next lock-in taping ng “Maria Clara At Ibarra.”

“Ise-settle ko muna ‘yung mag-ina ko sa bahay, aalagaan sila tapos kailangan ko nang lumarga kasi malapit nang maipakilala si Elias sa istorya ng Noli Me Tangere,” sabi pa ng aktor.

* * *

Walang sawang inaabangan tuwing hapon ang mga pasabog, tapatan, at pag-iibigan na hatid ng mga programa sa GMA Afternoon Prime.

Tulad ng paghanga ng netizens sa pagbangon at katapangan ni Annalyn (Jillian Ward) sa tuwing inaapi siya sa “Abot Kamay na Pangarap.”

“Good! Ganyan lumalaban ang bida sa kontrabida, ‘di nagpapatalo sa iba. Good job sa director. Ituloy lang ‘yung ganda ng tema ng palabas.

“Gusto ko ‘yung bida na kinakalaban nila pero lumalaban at ‘di nagpapatalo sa mga umaapi,” komento ng isang fan sa Facebook page ng GMA Drama.

Patuloy namang sinusubok ang samahan nina Eden (Elle Villanueva) at Red (Derrick Monasterio) sa “Return to Paradise” kaya mas lalo pang inaabangan ng netizens kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon.

“Nakakaadik ang Return to Paradise. Nagsisiksikan kami ngayon sa bahay para lang mapanuod ito kasi the best talaga. Nakakainis din si Sabina (Liezel Lopez) kasi ang hilig manira ng may relasyon,” komento ng isang viewer.

Kasabay naman ng pagkakakulong ni Amelia (Jean Garcia) sa “Nakarehas na Puso,” ang pagbuhos ng simpatya at suporta sa kanya ng mga manonood.

“Fight lang Amelia. Kaya mo ‘yan! Darating ang panahon na makakabawi ka rin at mananagot ang dapat managot,” ang reaksyon naman ng isang avid televiewer.

Inaabangan na rin ang upcoming premiere ng “Unica Hija” na pagbibidahan nina Kate Valdez, Katrina Halili at Kelvin Miranda.

Huwag pahuhuli sa mga kwentong puno ng inspirasyon, pagmamahal at pag-asa sa “Abot Kamay na Pangarap,” “Return to Paradise,” “Nakarehas na Puso,” at “Unica Hija” sa mas pinalakas na GMA Afternoon Prime.

Melissa Gohing isinilang na ang 1st baby nila ni Rocco Nacino: ‘Welcome to the world EZ!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gender reveal para sa anak nina Rocco Nacino at Melissa Gohing idinaan sa ‘prank’: We’re having a baby BOY!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending