Melissa Gohing isinilang na ang 1st baby nila ni Rocco Nacino: 'Welcome to the world EZ!' | Bandera

Melissa Gohing isinilang na ang 1st baby nila ni Rocco Nacino: ‘Welcome to the world EZ!’

Ervin Santiago |October 12,2022
facebook
share this

Melissa Gohing isinilang na ang 1st baby nila ni Rocco Nacino: ‘Welcome to the world EZ!’

Ervin Santiago - October 12, 2022 - 11:46 AM

Rocco Nacino, Melissa Gohing at Baby EZ

ISINILANG na ng asawa ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing ang kanilang first baby nitong nagdaang Linggo, October 9, sa pamamagitan ng Cesarean section.

Yes, mga ka-Marites! Isa na ring certified tatay ngayon ang Kapuso actor na matagal na ring nangangarap na magkaroon ng anak.

Ibinahagi ng celebrity couple ang good news sa pamamagitan ng Instagram, kalakip ang mga litrato nila kasama ang bagong silang nilang baby boy na may timbang na 7.5 pounds.

Pinangalanan nila itong Ezren Raffaello, o EZ. “Now we are a Family. Ezren ‘EZ’ Raffaello Gohing Nacino. Oct 9, 2022,” ang caption ni Rocco sa kanyang IG post.

“Now life is more meaningful with you in our lives, our son. Welcome to the world EZ!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


Sa IG page naman ni Melissa makikita ang mga pictures ng super cute na cute na si Baby EZ. May family photo rin sila na kuha sa kanyang hospital room sa Medical City.

“I prayed for a life full of love & God blessed me with my family. Meet our son, Ezren Raffaello Gohing Nacino,” mensahe ni Melissa.

Last May nang ibalita nina Rocco at Melissa na magiging parents na sila. Ikinasal naman sila noong January, 2021 makalipas ang tatlong taong relasyon bilang magdyowa.

Sa ngayon, naka-paternity leave pa rin si Rocco para maasikaso ang kanyang mag-ina. Very soon ay sasabak na uli siya sa lock-in taping para sa top-rating GMA Telebabad series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan gumaganap siya bilang si Elias.

https://bandera.inquirer.net/279896/hirit-ni-rocco-ngayong-mag-asawa-na-sila-ni-melissa-magkasama-na-kami-mag-cr-sabay-na-rin-maligo

https://bandera.inquirer.net/279750/misis-ni-rocco-ayaw-pang-magka-baby-ako-gusto-ko-na-talagang-magkaanak-pero

https://bandera.inquirer.net/315983/gender-reveal-para-sa-anak-nina-rocco-nacino-at-melissa-gohing-idinaan-sa-prank-were-having-a-baby-boy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281573/rocco-ibinuking-ang-reaksyon-ng-asawa-nang-sabihing-makakatrabaho-uli-si-lovi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending