Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi Bandera

Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi

Ervin Santiago |April 07,2021
share this

Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi

Ervin Santiago | April 07,2021 - 09:38 AM

MARAMING Kapuso viewers ang na-excite sa muling “pagtatambal” ng ex-couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa primetime series na “Owe My Love.”

Ito ang muling pagsasama sa isang project ng dating magdyowa mula noong magkahiwalay sila kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga kaibigan at loyal supporters na makita sila together again sa nasabing serye.

Kuwento ni Rocco, walang naging problema sa asawa niyang si Melissa Gohing nang sabihin niya rito ang tungkol sa offer ng GMA na pagsamahin uli sila ng kanyang ex-girlfriend sa “Owe My Love.”

Unang chika ng Kapuso actor, wala naman daw silang awkward moments ni Lovi nang magkita sa taping ng nasabing Kapuso show, “It was a lot of fun lalo na I came in kasi in the middle of the show and they’ve all been together for almost three months. So ‘yung rapport po nila parang pampamilya na eh.

“I was the one that had to make kapa, siguro ‘yun ‘yung term. Kinapa ko po lahat, kinausap ko po lahat. Marami po ako na first time ko po nakatrabaho.

“And with Ben (Benjamin Alves) and Lovi, our last show together was ‘Beautiful Strangers,’ and we knew already how each other worked kaya it was just like continuing where we left off siguro.

“It was apparently easy. We all had a small talk, you know, just to get to know the characters, especially with me and Doc Migs (Benjamin), and me and Sensen (Lovi) kasi doon crucial ‘yung mga lines ko. Ayun, malalaman ng mga Kapuso natin kung bakit magiging ngitngit na ngitngit si Doc Migs kay Dr. Kenneth (karakter niya),” masayang kuwento pa ni Rocco.

Samantala, all-out naman ang support sa kanya ni Melissa pagdating sa trabaho, “Siya mismo ‘yung nagsabi sa akin na ‘Ituloy mo na ‘yan’ kasi magandang trabaho.’ Kinuwento ko sa kanya ‘yung role and she was excited for me, sa totoo lang and I was really surprised.

“Nakita ko ‘yung suporta na meron ‘yung asawa ko para sa akin and it actually made me feel excited to work again, na ‘Uy haharap ako ulit sa character’ and nakita din niya na nagbabasa ako ng script and natutuwa siya.

“So it’s nice to know that you have someone beside you, supporting you all the way. Iba ‘yung assurance na nung kasal kayo so she doesn’t have anything to be worried about because masaya na ang lahat, eh.

“It’s been how many years ago, and the fact that she doesn’t have reservations with me working with an ex, napakalaking bagay po. And with that conversation that we had, tumaas talaga ‘yung respect ko sa kanya,” lahad pa ng aktor.

Dagdag pa niya, “Melissa knew me as an actor. Actually when we met, hindi niya ako kilala talaga eh kasi she doesn’t watch TV.

“So when she found out about what I do and how my process was, getting into character, naintindihan naman niya. When it comes to work, it’s work, and she really doesn’t have a problem with me acting and accepting roles, and that’s the nice thing about her kasi napaka-supportive niya eh.

“She really sees that I enjoy acting. I enjoy the challenges. So one time she was able to do an acting workshop, kaya mas lalo niyang naintindihan when it comes to roles talaga, that acting is just work and she doesn’t have anything to worry about.

“So for future roles, I think it all comes down to being open and just sharing with your husband or wife kung ano ‘yun mga ginagawa mo. Being open, that’s the essential key talaga, eh.

“Kapag may tinatago ka, talagang magkakaproblema. So throughout the years, I’ve always been a closed person.

“I’ve learned through Melissa to really open and start a conversation when there’s something bothering you. So ayun, ang laki rin ng pinagbago ko and no regrets din na ginawa ko ‘yun,” mahabang chika pa ni Rocco.

Nitong lang Jan. 20, 2021 nagpakasal sina Rocco at Melissa via a military wedding na ginanap sa isang naval ship.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending