Rudy Baldwin may 'matinding' babala para sa taong 2027

Rudy Baldwin may ‘matinding’ babala para sa taong 2027, ano kaya ito?

Regee Bonoan - May 24, 2024 - 05:26 PM

Rudy Baldwin may 'matinding' babala para sa taong 2027, ano kaya ito?

PHOTO: Screengrab from YouTube/Ogie Diaz

SA ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz sa tinaguriang Visionary na si Rudy Baldwin na isang tunay na babae, pero panglalaki ang pangalan sa kadahilanang ito ay pangalan ng amang namayapa na at ang Baldwin ay tunay ding apelyido dahil may lahing foreigner.

Inamin ni Rudy na maraming bashers at marami siyang demanda na kinakaharap dahil sa mga babala niya na may mga mangyayari sa future na iniisip ng iba ay naninira lang siya at hindi ito maganda para sa mga sangkot.

Pero ang lahat ay “dismissed” at lahat din ng mga vision niya na ibinandera sa social media ay nangyari na.

Isa-isa niya itong binanggit kay Ogie katulad ng isang lugar sa bandang Saudi Arabia na may malawak na disyerto, pero nabalita kamakailan na ito’y naging tila bukid na at maraming puno na ang naglitawan.

Baka Bet Mo: Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?

Ganito rin ang nangyari sa Japan at Hongkong na nilindol recently, pati na rin sa Singapore at iba pang bansa sa Asya na nahulaan niya.

Walong taong gulang si Rudy nang banggitin niya sa tatay niya na magkakaroon ng tsunami sa Visayas at ito marahil ang Yolanda na tumama sa Eastern Samar noong Nobyembre 8, 2013.

Tanong daw ng ama, “Pag nagka-tsunami ba ‘day asan kami?”

Sagot ni Rudy, “Wala na patay na kayo, hindi n’yo na ma-experience ‘yun. ‘Yung tsunami meron talaga tayo no’n sa Luzon, pero worst talaga ang Visayas.

“Ang inisip ko talaga ‘yung the The Big One ang eskplanasyon ko talaga ganito (sabay pikit) mag-umpisa muna sa Asian countries Japan, Indonesia, Taiwan, ang Hongkong nga possible magka-lindol diyan, pero sabi imposible hindi mangyayari (sabay pakita ng report na nilindol ang Lantau Island sa HK noong Marso 11, 2024 magnitude 2), Singapore, Malaysia at itong bansa ang pinakamalala kaya (panalangin ko), Lord ‘wag naman sana.”

Dagdag pa, “Ang sa akin Ogie, ang tsunami siguro nakaligtas tayo, pero ang The Big One, ‘no Ogie [walang ligtas].  Buhay ako pero nagkaroon ako ng damage dito sa hita like bakal na tusok but nakalakad pa rin ako pero ‘yung mga nawawala ang dami.

“Alam mo ‘yung nag-vision ka ng The Big One, nandoon ka pero nanginginig ka. Kailangan mong tingnan mga palatandaan, bangin. Ang worst na dapat paghandaan ng tao is The Big One na ‘yun ang lindol na hindi naman matagal pero ang daming damage. Pinost ko ‘yun nu’ng 2020, binash ako ‘wag daw maniwala hindi raw totoo.”

At ang nakaka-intrigang sabi pa, “pinaka-worst na nakita ko ay ang taong 2027, kaya paghandaan natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagulat si Ogie at tinanong niya kung ano ito pero hindi ito binanggit ni Rudy.

“Nagbibigay ako ng clue, hindi porke’t nag-post ako sa social media ay negative na, warning po ‘yun pra makapag-ingat tayo,” babala ni Rudy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending