The Voice PH ng ABS-CBN tuluyan nang nagpaalam; Robi, Bianca emosyonal
MATAPOS ang 10 season, tuluyan na ngang nagpaalam ang reality singing competition na “The Voice Philippines” sa ABS-CBN.
Ito ang in-announce kagabi sa pagtatapos ng “The Voice Teens Philippines” season 3 kung saan itinanghal na winner si Jillian Pamat mula sa Team Kawayan ni Bamboo.
Mismong ang host ng show na si Bianca Gonzalez ang nagbalita sa buong universe na magpapaalam na sa ere ang “The Voice Philippines”.
“Kami ang nakita niyo on camera, pero napakarami po who worked off cam.
“Sa lahat ng bumubuo ng music, creatives, production, technical, all the other departments, kami’y lubos na nagpapasalamat sa inyo. Ladies and gentlemen, it’s time for one final bow,” ang pahayag ni Bianca.
Naging emosyonal din ang isa pang host ng show na si Robi Domingo sa kanyang mensahe para sa lahat ng mga nakasama nila sa 10 season ng “The Voice”, kabilang na ang mga manonood.
“Sa ngalan po ng ABS-CBN at sa lahat ng bumubuo sa ‘The Voice of the Philippines’, sa lahat ng naging bahagi ng 10 edisyong ito.
“And we would love to say thank you to our coaches, APL.DE.AP, Lea Salonga, Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Martin Nievera, KZ (Tandingan), and Bamboo,” aniya.
View this post on Instagram
“Isang karangalan ding tumapak sa stage na ito at sa lahat ng naging hosts at V reporters, maraming-maraming salamat, Luis Manzano, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Yeng Constantino, Kim Chiu, as well as all the hosts of the online show,” sabi pa ni Bianca.
Pagpapatuloy naman ni Robi, “Sa lahat po ng artists at kani-kanilang pamilya na nagbahagi ng kanilang mga kwento at pangarap sa ating programa, maraming salamat po.
Baka Bet Mo: Bossing kay Tito Sen: Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nasa likod mo ang buong Eat Bulaga!
“Hanggang sa muli nating pagtuklas at pagkilala at pagdiwang sa galing ng mga Pilipino,” pagbabahagi pa ni Robi.
Pahabol na message ni Bianca, “Whatever happens we will continue to let your voices be heard.”
Ilan sa mga kilalang OPM artists ngayon sa music industry ay produkto ng “The Voice Philippines” kabilang na sina Moira dela Torre, Juan Karlos Labajo, Jeremy Glinoga, Morissette, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Darren at Kyle Echarri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.