Medwin Marfil ng True Faith nagpakasal na sa boyfriend

Medwin Marfil ng True Faith nagpakasal sa partner na si Mark Angeles

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Medwin Marfil ng True Faith nagpakasal sa partner na si Mark Angeles

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 12:01 AM

Medwin Marfil ng True Faith nagpakasal sa partner na si Mark Angeles

Medwin Marfil at Mark Angeles

NAGPAKASAL na ang frontman ng bandang True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang partner na si Mark Angeles nitong nagdaang weekend.

Proud na ibinandera ng OPM singer-songwriter ang pag-iisang dibdib nila ni Mark sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Sa kanyang Facebook account namin nakita ang litrato nila ng kanyang non-showbiz husband na ginanap sa California, USA kung saan legal ang same-sex marriage.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Ang nakalagay sa caption ng FB post ng singer ay, “May 11, 2024 Rockaway Beach, Pacifica, California.”

“It was a beautiful day,” ang dagdag mensahe pa ni Medwin kalakip nga ang magkaakbay na litrato nila ni Mark.


Makikita sa picture ang suot nilang terno na puting long sleeves, khaki pants at white shoes. May nakalagay din sa post na pink-heart emoji at dalawang singsong na may diamonds.

Kung ang pagbabasihan ay ang profile ni Mark sa social media, nagwo-work siya sa isang healthcare industry, at may konek sa University of California, San Francisco Medical Center.

Baka Bet Mo: Vice dinenay na nagpakasal na sila ni Ion, hindi pa rin pinapatanggal si ‘junjun’

Mula raw sa Las Piñas si Mark pero naninirahan at naka-base na ngayon sa San Francisco, California.

Sa comments section ng FB status ni Medwin, bumuhos ang congratulatory message mula sa mga netizens, kabilang na ang mga kaibigan niya sa entertainment industry.

Pero marami rin naman ang nagulat sa pagpapakasal ng singer sa kapwa niya lalaki dahil wala raw siyang idea sa sexual preference nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa masyadong aware, sumikat ang True Faith noong dekada 90. Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang “Muntik Nang Maabot Ang Langit,” “Perfect,” “Alaala,” at “Kung Di Rin Lang Ikaw.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending