Jessy Mendiola, Luis Manzano ikinasal na sa simbahan

Jessy, Luis ikinasal na sa simbahan, ginanap sa exclusive resort sa Palawan

Pauline del Rosario |February 17,2024
facebook
share this

Jessy, Luis ikinasal na sa simbahan, ginanap sa exclusive resort sa Palawan

Pauline del Rosario - February 17, 2024 - 09:08 AM

Jessy, Luis ikinasal na sa simbahan, ginanap sa exclusive resort sa Palawan

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

IKA nga nila, “love is sweeter the second time around.”

Kaya naman, sa ikalawang pagkakataon ay muling ikinasal ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano!

Naganap ang wedding sa simbahan sa isang exclusive resort sa Coron, Palawan noong February 15.

Ayon sa report ng evening newscast na “TV Patrol,” ang nag-officiate ng wedding ceremony ng couple ay si Father Tito Caluag.

Kumpleto ang pamilya ng mag-asawa nang mangyari ang kanilang pag-iisang dibdib sa simbahan.

Bukod sa kanilang baby Rosie na nagsilbing “little bride” ay present din ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano, Vilma Santos, at ang kanyang stepfather na si Ralph Recto.

Baka Bet Mo: Jessy gusto pa ng 4 na anak kay Luis: Sana kaya ko nang sunud-sunod!

Pati syempre ang mga magulang ni Jessy ay nandoon din.

Kung maaalala, hindi nakadalo ang parents nina Luis at Jessy sa unang kasal nila noong 2021.

Ang mga naging entourage naman ng mag-asawa ay ang mga kapatid nila na sina Ryan Recto at Megan Tawile, at ang celebrity couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Kabilang naman sa principal sponsors ay ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

Until now ay wala pang inilalabas na official photos mula sa special event ng dalawa, pero ipinasilip ng celebrity stylist na si Patty Yap ang naging look ni Jessy sa naganap na pre-wedding dinner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝗣𝗮𝘁𝘁𝘆 𝗬𝗮𝗽 (@pattyyap)

Magugunita na inanunsyo ni Jessy nitong buwan na magkakaroon sila ni Luis ng church wedding very soon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, taong 2021 nang magkaroon ng civil wedding ang mag-asawa na nangyari sa isang luxury resort sa Lipa, Batangas.

Makalipas ang mahigit isang taon ay biniyayaan sila ng magandang anak na si Rosie o mas kilala bilang si Baby Peanut.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending