Vice dinenay na nagpakasal na sila ni Ion, hindi pa rin pinapatanggal si 'junjun' | Bandera

Vice dinenay na nagpakasal na sila ni Ion, hindi pa rin pinapatanggal si ‘junjun’

Ervin Santiago |September 08,2021
facebook
share this

Vice dinenay na nagpakasal na sila ni Ion, hindi pa rin pinapatanggal si ‘junjun’

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 09:13 AM

Ion Perez at Vice Ganda

MARAMING nagtatanong sa amin kung totoo bang nagpakasal na ang Kapamilya celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa mga vlog kasi ngayon ng TV host-comedian sa YouTube, “my husband” at “asawa ko” na ang tawag niya sa kanyang boyfriend.

Sa Instagram page nga ni Vice, may naka-post silang litrato ni Ion na may caption na, “I can look at this all day. Pure joy. Pure love.” Na sinagot naman ng model-actor ng, “Play time ka diyan asawa ko!” 

Nag-trending pa nga ito sa social media kasabay ng paglabas ng mga edited photos ng dalawa kung saan naka-wedding gown si Vice habang naka-suit naman si Ion.

Sa bagong vlog ng stand-up comedian na si Negi (kasama ang komedyanteng si Petite), diretsahang tinanong si Vice Ganda kung nagpakasal at kung totoong mag-asawa na sila ni Ion.

Sumabak kasi ang Phenomenal Box-office Star sa “lie detector” game sa nasabing vlog kung saan tinanong nga siya ni Negi ng maiintrigang tanong tungkol sa personal nitong buhay.

At isa na nga riyan kung may bahid ng katotohanan ang chika na “legal wife” na siya ni Ion, “Okay sige! Ngayon lang po ako magsasalita sa isyu na ‘yan, eto na — wala kayong pakialam!” 

Sinundan ito ng malakas na tawa ni Vice kaya inulit ni Negi ang tanong na sinagot ni Vice ng, “Hindi.” In fairness, sumang-ayon naman sa kanya ang “lie detector” dahil hindi siya makuryente za kanyang answer.

Isa pa sa naitanong kay Vice ay kung nagpatanggal na ba ito ng kanyang “junjun” o sex organ. 

“Hindi” uli ang sagot ng komedyante na sinang-ayunan din ng lie detector game machine.

In fairness, magti-three years na rin ang relasyon ng magdyowa at mukhang pang-forever na nga ang kanilang pagsasama dahil kitang-kita at ramdam na ramdam naman daw ng madlang pipol ang namamagitang “true love” sa dalawa.

Kung hindi kami nagkakamali,  nakatakdang magtungo sa Amerika si Vice para sa kanyang concert doon at siguradong kasama rin niya ang dyowa roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong, doon na nga kaya maganap ang inaasahang pagpapakasal ng dalawa? Let’s wait and see!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending