JK may 'galit' pa rin sa maagang pagpanaw ng ina: Unfair...

JK may ‘galit’ pa rin sa maagang pagpanaw ng ina: It’s always unfair

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

JK may ‘galit’ pa rin sa maagang pagpanaw ng ina: It’s always unfair

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 06:15 AM

JK may 'galit' pa rin sa maagang pagpanaw ng ina: It's always unfair

JK Labajo

“GALIT” at nanghihinayang pa rin ang Kapamilya singer-actor na si JK Labajo sa maagang pagpanaw ng kanyang ina noong 2013 dahil sa pancreatic cancer.

Kahit ilang taon na ang nakararaan mula ng iwan siya ng kanyang nanay, ay nangungulila pa rin siya bilang anak na lumaki nang walang pagmamahal at paggabay ng isang ina.

Sa tinatamasang kasikatan ngayon ni JK, hindi lang bilang singer-songwriter kundi maging sa pagiging magaling na aktor, sana raw ay buhay ang kanyang nanay para nakikita nito ang naging resulta ng lahat ng paghihirap niya.

Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’

Nagsimulang makilala si JK noong sumali siya sa “The Voice Kids” taong 2014, isang taon makalipas ang pagpanaw ng ina.

Sa panayam ng programang “Tao Po” ng ABS-CBN, nabanggit ni JK na hindi niya pinangarap ang lahat ng nararanasan niya ngayon bilang artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)


“I never dreamed of any of this. I grew up with my lola and my uncle and my mom had a different family.

“So the only time that we would bond is when she would go with me to these different kinds of auditions. Kasi I just loved singing.

“She would be like a stage mom. That was like our main strong bonding moment together,” pahayag ni Juan Karlos na siyang nagpasikat ng mga hit songs na “Buwan” at “Ere.”

Baka Bet Mo: Neri Miranda maagang nagising para sa bagong laban ng buhay: ‘Happy Labor Day! May off ba ang mga nanay?’

Kuwento ng binata, namatay ang kanyang nanay bago pa siya makapag-audition sa “The Voice Kids”.

“She passed away, because of cancer, and then five days after she passed I saw on television, The Voice Kids audition.

“Now, again I didn’t see that and like ‘Oh, wow I can finally achieve, like try and get to my goals’. It was more of like, an homage my mom.

“From my perspective as a 12-year-old, I was like ‘Go sige, gawin ko for mama.’ Di na niya na abutan yun, di na niya nalaman yun.

“Kasi nawala na siya, so parang for me ‘Oh, sige try natin, Ma. Last time,’” aniya pa.

Sa tuwing magpe-perform siya on stage, palagi niyang naaalala ang ina, “No fail, ever since before I started performing, every time before I go onstage I always say a little prayer with my mom and also my lola and my papa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)


“And so that’s something that never left me. Last Saturday, I was in Bohol. It was a great festival. So I was singing and doing my thing and all of a sudden, I was like in my brain, ‘How did I get here?’

“It was my mom who would always say everything happens for a reason, ‘yun yung lagi niyang iniiwan sa akin,” sey pa ni JK.

Pag-amin pa niya sa nasabing interview, “And am I pissed that I lost her as a kid and she died way too young?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes! I’m mad still. Unfair, it’s always unfair. But I do believe na she’s somewhere out there in the crowd,” pagpapakatotoong sabi pa ni Juan Karlos na napapanood uli sa sequel ng hit Kapamilya series na “Senior High”, ang “High Street.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending