JK Labajo naaksidente sa concert: Talagang nahulog ako sa inyo!

JK Labajo naaksidente sa concert: Talagang nahulog ako sa inyo!

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

JK Labajo naaksidente sa concert: Talagang nahulog ako sa inyo!

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 11:49 AM

JK Labajo naaksidente sa concert: Talagang nahulog ako sa inyo!

NAGKAROON ng minor accident ang Kapamilya actor-singer na si JK Labajo nang mag-show sa isang lugar sa Orani, Bataan.

Ibinalita ng binata ang nangyari sa kanya habang nagpe-perform sa naturang concert sa pamamagitan ng kanyang Instagram account nitong nagdaang weekend.

Sa kanyang IG post makikita ang ilang pictures kung saan makikita ang ginawang pag-assist sa kanya ng ilang medics na nakaantabay sa venue.

Sa isang litrato ay makikitang may bondage ang kaliwang paa ni JK habang sa ibang photos naman ay masasaksihan ang napakaraming tao na nanood sa nangyaring concert sa Orani, Bataan.

Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’

Kahit na naaksidente ay nakuha pa ring magbiro ni JK sa caption na inilagay niya sa kanyang IG pictures. Aniya, “Isa sa mga pinaka energetic at pinakamagandang crowd na nakasama namin this year!

“Orani, talagang nahulog ako sa inyo! Sobrang saya! Hanggang sa muli! (heart, honeybee, bone emojis),” sey ni JK na ang tinutukoy nga ay ang nangyari sa kanyang minor accident.

“Salamat sa ating mga kuya na medic (heart emoji),” aniya pa.

Walang binanggit ang singer-songwriter kung ano talaga ang nangyari sa kanya pero base sa nabasa naming comments sa kanyang IG post, nahulog si JK sa hagdan habang pabalik sa stage.

Isa sa mga unang nagkomento sa nangyari kay JK ay ang kaibigan niyang si Moira dela Torre at ang girlfriend niyang si Miss Universe Philippines-Cavite 2024 Dia Mate.

Comment ni Moira, “Ano nanaman ginawa mo (laughing emoji).”

Mensahe naman ni Dia sa kanyang dyowa, “Wawa ng bebe ko.”

May netizen naman ang nagtanong sa binata ng, “Anyaree???” Na sinagot ng isang tila nakasaksi sa nangyari, “Nadapa po sya sa concert nya kanina WHAHAHAHA.”

Sabi pa ng isang netizen, “abumaba po kasi sya ng stage dyan sa gitnang part, tas pag akyat nya, ayun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang pumuri at bumilib kay JK dahil sa todo-bigay nitong pagpe-perform sa naging show nila sa Bataan.

Recently lang ay nag-viral din si JK dahil sa ipinakita niyang concern sa isang baby na bitbit ng mga magulang nito nang manood sa isa pa niyang concert sa isang probinsya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending