Ice hindi nagpatalbog sa 11th anniversary message ni Liza

Ice hindi nagpatalbog sa 11th anniversary message ni Liza: I love you!

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Ice hindi nagpatalbog sa 11th anniversary message ni Liza: I love you!

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 07:30 AM

Ice hindi nagpatalbog sa 11th anniversary message ni Liza: I love you!

Ice Seguerra at Liza Diño

HINDI nagpatalbog ang OPM icon na si Ice Seguerra sa 11th commitment anniversary message para sa kanya ng asawang si Liza Diño.

Idinaan din ni Ice ang kanyang mensahe kay Liza sa pamamagitan ng Facebook kung saan in-enumerate rin niya ang mga ginawang adjustments para sa kanilang pagsasama as married couple.

Sey ng award-winning singer-songwriter, kinailangan niyang sabayan ang kagandahan at pormahan ng kanyang wifey kaya adjust-adjust din siya pag may time.

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel sa solid KathNiel fans ng 11 years: Congrats sa nag-graduate, sa mga ikinasal, sa nagkaanak, sa naging mommies!

Narito ang nakakaaliw at nakakakilig na mga hirit ni Ice para sa anniversary nila ni Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“It’s been 11 years since I committed to…

“Level up my porma at bumili ng sapatos na balat—Nakakahiya eh, maganda yung asawa ko, dapat pogi din ako.

“Be more open to new experiences. Eating food na medyo hindi ko kilala, pumunta sa mga lugar na kakaiba.

Baka Bet Mo: Paulo may balak ding magpakasal: If I find the right person…but commitment is something else…

“Sharing my food, especially yung balat ng manok. Sa mga taong kilala ako, alam nilang I’d rather order for you and pay for it kesa bigyan kita ng nasa plato ko. Pero nung minsang pinandilatan ako ng mata ni Liza, bigla akong nagbago.

“Be more spontaneous. I usually hate (and still do) going out na hindi planado, but I think I’m getting better at it.


“Sharing my alone time. Like when watching films, I usually like it quiet pero ang asawa ko, kundi sumisigaw dahil takot o galit sa kontrabida, mahilig mag comment sa pinapanood.

“Saying sorry na alam ko dapat ang rason bakit ako nag a-apologize.

“Smiling more often ‘coz meron daw akong resting bitch face.

“Listening to understand and put myself in someone else’s shoes before I say and do things.

“Communicating my feelings, sharing my problems, and not keeping it bottled inside.

“’Wag mag copy paste nang greeting para magpakilig. Kahit maikli, basta orig at galing sa puso.

“Be a better person every day.

“11 years went by so fast, my love. Life with you is an amazing adventure. I love you so much! Happy Anniversary!” ang kabuuang FB post ni Ice para sa commitment anniversary nila ng kanyang pinakamamahal na asawa.

In fairness, saksi kami kung gaano kamahal nina Chair Liza at Direk Ice (tawag namin sa kanila) ang isa’t isa lalo na kapag walang nakaharap na camera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang mapapa-sana all ka na lang sa kasweetan nila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending