Liza Diño ibinandera kung paano 'pinapaligaya' ang asawang si Ice Seguerra: Buti na lang wala na ako sa gobyerno | Bandera

Liza Diño ibinandera kung paano ‘pinapaligaya’ ang asawang si Ice Seguerra: Buti na lang wala na ako sa gobyerno

Reggee Bonoan |July 15,2023
facebook
share this

Liza Diño ibinandera kung paano ‘pinapaligaya’ ang asawang si Ice Seguerra: Buti na lang wala na ako sa gobyerno

Reggee Bonoan - July 15, 2023 - 07:09 PM

Liza Diño ibinandera kung paano 'pinapaligaya' ang asawang si Ice Seguerra: Buti na lang wala na ako sa gobyerno“BUTI na lang wala na ako sa gobyerno, “ito ang birong reaksyon ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa panayam nila ng asawang si Ice Seguerra kay Doc Rica Cruz sa programa nitong “Private Convos with Doc Rica” na napapanood sa One News PH YouTube channel.

Si Doc Rica ay US board certified Diplomate in Clinical Sexology and a media personality at may 35,000 followers sa kanyang Facebook account at 156,000 naman sa Instagram account.

Kaya nakapagbiro si Liza ay dahil tungkol sa sexual relationship ang pinag-usapan nila with Doc Rica at maraming na-discover tungkol dito.

Kuwento ng aktres ay nagkakilala sila ni Ice noong pareho pa silang estudyante at nagkahiwalay ng 13 years. Nang magkita muli ay itinuloy na nila ang naudlot nilang relasyon.

“After 13 years, he still identifies himself as a lesbian (kinurek ni Ice, sexual preference). It was within the relationship na may mga manifestation and actually, it’s the sexual intimacy that brought us to discover na hindi siya lesbian,” pagbabahagi ni Liza.

Pagpapatuloy niya, “Cause when we are intimate, he wouldn’t want na ‘yung kung anong ginagawa sa kanya… how a woman is [being] pleasured, no! Hindi puwede ‘yun. So, parang (nahihirapang mag-isip ng tamang termino) ayaw niya ng penetration ha, ha.”

Tinanong pa nga ni Liza kung gaano sila ka-open sa interview at ang sagot kaagad ni doc Rica, “Open tayo!”

Tuloy niya, “ha, ha, ha bukas nasa headlines na tayo (sabay hawak kay Ice).”

“Yun ang goal talaga to make more open,” say naman ng sex therapist.

Singit naman ni Ice, “I remembered we had this conversation about pleasuring (like) masturbation. Ikaw na lang magkuwento (baling kay Liza).”

Salo ni aktres,“Ako, I had issues nang malaman ko ang partner ko nanonood ng porn na parang, ‘huh? ano ang hindi ko kayang gawin? Me ganu’n (thought) di ba? Na hindi mo naman alam in the men’s perspective kasi kung mga babae naman ang tataningin mo, sasabin, ‘oo nga bakit I’m not enough?’ Pero pag lalaki naman ang tatanungin, ay ‘ano yan trailer ‘yan ng puwedeng mangyari.’ So, I had to google,’why do men watch porn?’

Hirit ni doc Rica, “women watch porn, too!”
At dahil hindi pa rind aw ma-get ni Liza kung bakit nanonood ng porn ang hubby niya ay tinanong nito kung ano ang pinapantasya niya bagay na hindi naman mai=share ni Aiza.

Baka Bet Mo: Liza Diño inaming nasa stage 4 na ang cancer ng amang si former DILG USec. Martin Diño

“Siyempre hindi mo naman ma-share kasi parang it’s my own thing. Siyempre nasa away na kami, so, I had to tell her,” saad ni Ice.

Binanggit nito kung ano ang pina-pantasya ng singer/actor at ang esplika ni Liza, “kasi he doesn’t know what it feels like to have that kind of experience. So, from then on mas naiintindihan ko na siya. So, he wants to be pleasured [like] how a man is being pleasured.

“His role in the family is always a protector, he wants to provide, we never share make-up secrets, or he would not go with me for shoppings like kung anong suot kong damit. It’s like I’m in the heterosexual relationship. And it never changed kasi I’m always been naman in a heterosexual relationship.”

Inamin rin ng asawa ni Liza na sa rami ng nakarelasyon niya ay tila tinatrato siyang babae.

“They  touch me like the way they touch a woman. I felt violated parang ‘wag mo akong hawakan! Nawawala ako, nawawala ‘yung drive ko, nawawala lahat,” sey ni Ice.

“Oh, interesting, parang may diri (feeling),” reaskyon ni doc Rica.

Nabanggit din ni Ice na nag-research siya sa ganu’ng pakiramdam at nakipag-usap din siya sa kaibigan niyang therapist.

At dito sinabi ni Ice na, “Liza is the best wife and amazing and…(hindi masabi).”

“Say it (sabay bleep),” reaksyon ng host.

Sagot agad na Ice, “yes, ha, ha, ha”

“Very good because that is really the goal!” saad ni doc Rica.

Napangiti at natatawa naman si Liza at sabay sabing, “buti na lang wala na ako sa gobyerno (empleyado) ha, ha, ha, Diyos ko po!”

Nagkatawanan ang tatlo sa mga pinagsasabi ni Ice.

Hirit ni doc Rica, “gusto ko ring may umupo (ma-interview) ritong mga taga-gobyerno, ewan ko lang kung uupo sila, ha, ha, ha.”

Marami pa silang napag-usapan kung paano nila napapaligaya ang mga sarili nila at inamin din nina Liza at Ice na may mga binibili silang gadgets na iba-ibang uri at sizes at matatawag na collections na ito at binibili nila ang iba abroad.

Ang saya-saya ng private conversation nina Liza at Ice dahil in-open nila sa publiko na kapag dalawa na lang sila sa loob ng kuwarto ay kinailangan nilang buksan ang TV o magpatugtog nang malakas.

“Kasi hindi lang naman kami ang dalawa sa bahay, siyempre may mga kasama kami, ayaw naman naming (marinig) nila, pero siya (Ice) gusto niya tahimik,” dagdag tsika pa ng wifey ng singer/songwriter/actor.

Samantala, binasa namin isa-isa ang mga komentong umabot sa 138 at positibo lahat dahil sa pagiging open ng dalawa at ang ilan sa mga ito.

Sabi ng isang netizen, “I am a very conservative person, but seeing these couple sharing their private life, really made me appreciate them and the malice I thought that I will feel disappear and made me feel pity and at the same time feel happy that this bonding made them more mature and face life whatever is it that would come their way.”

“These couple compliments each other and that’s precious! Rarely that you satisfy each other. I can absolutely relate with them. Glad they were vocal sharing their personal experiences. More power to you both and god bless!” comment naman ng isa.

“I love and admire how there so open minded and very genuine and very normal and natural. Hindi ka mandidiri or makaka-feel ng awkwardness habang nag kukuwento sila ng sexlife nila. Good job Doc. Well done. I enjoyed it very much from start to finish actually BITIN. Thank you Liza and Ice. Love you both,” hirit naman ng isa pang netizen.

Related Chika:
Liza Diño handa nang ma-bash ng mga fans ni Judy Ann; excited nang makatrabaho si Mikhail Red

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Diño nagpasabog ng kilig vibes sa anniversary message kay Ice Seguerra: ’10 years ago I met my FOREVER!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending