MARAMI ang nakaramdam ng lungkot nang ibalita ni dating Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño na nasa stage 4 na ang cancer ng kanyang amang si former DILG USec. Martin Diño.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ipinarating niya sa publiko ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya lalo na ang pakikipaglaban ng kanilang padre de pamilya.
“So yeah, my dad is fighting the big C (Stage 4) but we won’t let it defeat us,” saad ni Liza.
Aniya, isang taon na raw buhat nang kanilang malaman ang sakit ng ama at bagamat mahirap para sa kanila ang nangyayari ay nananatiling malakas ang loob ng dating kawani ng gobyerno.
“I just realized it’s been a year now since we found out he is sick and while it’s been difficult for our family, we are inspired by my papa’s determination and fighting spirit,” pagpapatuloy ni Liza.
Chika pa niya, talagang nagpapalakas ang ama dahil nais nitong bumalik sa pagbibigay serbisyo sa mga kababayan natin.
Baka Bet Mo: Liza Diño nakapagpa-picture sa 2 sikat na Korean actor sa Busan, celebrity friends inggit na inggit: ‘OMG! Sorry na!’
“Ang dami niya pang gustong gawin. Ang dami niya pang gustong matulungan and I know, nagpapalakas siya dahil gusto niyang bumalik sa public service,” kuwento ni Liza.
Habang tinitignan niya raw ang kanilang larawang mag-ama ay naalala niya ang kanilang mga pinagdaanang pagsubok.
“I just realized, when challenges like these come your way, you can’t help but be grateful just for the fact that you get to live another day; that being happy doesn’t take that much because you recognize the value of the little things in life,” sey pa ni Liza.
Biniro pa nga niya ang ama dahil muli nang nanunumbalik ang pagtubo ngbuhok nito.
“Your hair! OMG, it’s back. You look great! I’m so proud of you. And look at that smile. Never nawala ang charm. Jusko, kaya guwapo pa rin!!! Ang tapang mo, Papa. Basta, laban tayo. Nandito kami sa likod mo! Love you!” mensahe ni Liza para sa ama.
Related Chika:
Liza Diño ipinagtanggol si Robin Padilla sa pagpapa-ban ng Hollywood movie ni Gerard Butler sa Pinas, pero…
Liza Diño handa nang ma-bash ng mga fans ni Judy Ann; excited nang makatrabaho si Mikhail Red