Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo pinagtatambal ng netizens, hiniritang gawin ang ‘Together’ BL series

Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo pinagtatambal ng netizens, hiniritang gawin ang 'Together' BL series
POSIBLE nga kayang matupad ang hirit ng madlang pipol sa Kapamilya actors na sina Donny Pangilinan at Jeremiah Lisbo?

Nag-trending kasi ang isang video sa Twitter na kuha noong nagdaang Star Magic All-Star Games kung saan makikitang magkatabing nag-uusap at nagkatinginan ang dalawang binata.

“Mapapatay tayo ng fans pero ITULOY ANG KABAKLAAAAAAAN,” saad ng Twitter user na si @AltStarMagic kalakip ang video nina Donny at Jeremiah.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang tweet.

Mayroon nga ring unofficial poster ng “2gether” kung saan makikita ang larawan nina Donny at Jeremiah.

“Bakit kinikilig ako sa dalawa huhu sh*t ituloy na ang kabaklaan. RAMPA!!” sabi ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Jeremiah-Toni Labrusca nlng. May ka love team si Donny eh.”

Hirit naman ng isa, “conservative Christians ang parents. parang malabo na payagan yan, kaya wag nang umasa.”

Baka Bet Mo: Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na ‘babe’ si Donny Pangilinan

Maski nga sina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ay napag-usapan rin ito sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Update”.

Tingin raw ni Ogie, sa kabila ng ingay ng mga netizens na pagtambalin ang dalawa ay hindi ito mangyayari.

“Ako feeling ko, hindi naman papayag si Donny. Siyempre magkakaroon sila ng kissing scene riyan. Iyan ay kumbaga, pangarap lang ng fans,” sey ni Ogie.

Sa tanong naman ni Mama Loi na kung tatanggapin ni Jeremiah ang offer, kung siya daw ang aktor ay tatanggapin niya ito.

“Kasi, ako naniniwala ako kung straight ka hindi ka talaga pagdududahan ng mga tao kahit pa nakipagkissing-scene ka sa kapwa mo lalaki,” ani Ogie.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag sina Donny at Jeremiah hinggil sa pag-ship sa kanila ng madlang pipol.

Related Chika:
Jeremiah Lisbo sa kabataan: Dapat alam mo ang ipinaglalaban mo at kung kanino ka papanig

Donny Pangilinan game na game mag-experiment bilang aktor; umaming na-pressure nang unang sumabak sa showbiz

Read more...