Jeremiah Lisbo sa kabataan: Dapat alam mo ang ipinaglalaban mo at kung kanino ka papanig | Bandera

Jeremiah Lisbo sa kabataan: Dapat alam mo ang ipinaglalaban mo at kung kanino ka papanig

Ervin Santiago |October 03,2021
facebook
share this

Jeremiah Lisbo sa kabataan: Dapat alam mo ang ipinaglalaban mo at kung kanino ka papanig

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 11:53 AM

Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo

IN FAIRNESS sa Kapamilya youngstar na si Jeremiah Lisbo na nagmarka sa hit series na “He’s Into Her”, bukod sa angking talento sa pag-arte, matalino at may lalim rin ang binata.

Kagabi napanood ang espesyal na episode niya sa “Maalala Mo Kaya” kung saan bumida nga si Jeremiah sa makulay at inspiring na life story ng ex-“PBB” housemate na si Ralph Malibunas.

Siguradong napahanga ng young actor ang madlang pipol sa ipinakita niyang pagganap sa “MMK” at feeling namin, magsusunud-sunod na ang pagdating sa kanya ng magagandang proyekto.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Jeremiah, nasabi niyang mas magiging maingat pa siya ngayon sa pagsasalita at paggamit ng social media dahil kahit paano’y may responsibilidad na siya sa kanyang mga supporters.

“Ngayon, mas maging sensitive na ako, bilang nagiging modelo na rin tayo, lalo sa mga kabataan. I learned to be careful sa mga words na sasabihin mo,” sabi ng aktor na very vocal din sa pagsasalita tungkol sa mga national issues kabilang na riyan ang pagpapasara noon sa Kapamilya network.

Paalala naman niya sa mga tulad niyang kabataan, “Magandang bago tayo magsalita, mag-opinyon, mag-express, alamin muna natin ‘yung istorya.

“At dapat, hindi one-sided story lang, para mas matimbang mo at maunawaan mo kung ano nga ba ang ipaglalaban mo at kung kanino ka nga ba papanig,” aniya.

“Sure ka sa dapat mong panindigan, kung tugma ba ‘to sa values mo, sa principles. Ako, ganoon ako bilang tao, tinutugma ko sa paniniwala ko,” dagdag pa niyang paalala sa mga kabataan.

Tungkol naman sa pagiging aktor at role model, “I claim na magiging purposeful ang buhay ko, na makaka-inspire ako sa mga kabataan na tumulong na mas mahalin natin ang Pilipinas.”

Samantala, tungkol naman sa pagkakaroon ng loveteam, kung ano raw ang magiging desisyon ng management ay okay sa kanya. Nagtitiwala raw siya sa mga taong humahawak sa kanyang career.

Ilan sa mga pwedeng maging permanent om screen partner niya ay sina Kaori Oinuma, Belle Mariano at Dalia Verde na nakasama niya sa “He’s Into Her.”

“Masaya ako. Nabubuo ‘yun dahil sinusuportahan nila ‘yung proyekto. Nakakakilig na rin, kasi minsan hindi mo naman siya ka-pair talaga, pero may nagsi-ship sa inyo.

“Sa pinag-usapan ng management at ako, ‘yung career path naman is open to possibilities. Hindi naman ako stick sa ganitong isang pair lang.

“Pero, hindi natin masasabi, kasi minsan, ‘di ba, along the way, ‘yung mga sikat na love team, biglaan lang nabubuo,” sabi ng binata.

“Actually, hindi ko masasabi kung ano’ng dapat at tama para sa akin. Pero kung may choice ako, mas gusto ko magkaroon ng love team lalo na’t bata pa ako. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos, along the way, kapag nagkakaedad na, doon ako magso-solo. Hindi rin natin masasabing tama ‘yun, na sundin ang gusto ko, dahil collaboration ito with the management,” dagdag pang pahayag ni Jeremiah sa panayam ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending