HABANG hindi pa lumilipad pa-Toronto, Canada sina Judy Ann Santos, Guji Lorenzana at Sam Milby kasama si Liza Dino para sa shooting ng “The Diary of Mrs. Winters” ay tinanggap muna ng huli ang pelikulang “Friendly Fire” mula sa direksyon ni Mikhail Red.
Base ito sa mga larawang ipinost nito sa kanyang Facebook account ngayong hapon.
Ang caption na inilagay ng aktres at dating FDCP chairperson, “NEW MOVIE: FRIENDLY FIRE DIRECTED BY Mikhail Red. From Davao to Manila, I attended the look test for my latest feature film project under TEN17P production directed by Mikhail Red.
“Really excited to finally work with him, after 6 years of following his journey to the mainstream, since his first feature, Birdshot.
“Playing a mom role to a teenage gamer, parang real life lang dahil my daughter Amara is also into gaming.
“Really happy and grateful that in between my producing work and consulting for film-related initiatives, I still get to accept acting projects,” aniya pa.
Makakasama ni Ms. Liza sa crime-thriller movie “Friendly Fire” ay sina Loisa Andalio at Coleen Garcia.
Chinat namin si Ms. Liza through Facebook kung okay na ang working visa nila sa Canada dahil ito ang dahilan kung bakit naantala ang pag-alis nila noong ikatlong linggo ng Pebrero.
Aniya, “Kaka-release lang (working visa). But the film has to be set in winter so need to fix scheds.”
Thirdwheel ang role ni Ms. Liza kay Juday at handa naman daw siya kung i-bash siya ng fans ng aktres, pero as far as she knows ay hindi pa siya nakararanas ng bashing kahit sa seryeng “Dirty Linen.”
“Kung i-bash ako, ibig sabihin effective ako,” napangiting sambit ng aktres.
Mas matindi nga raw ang karakter niya sa “Dirty Linen” dahil siya ang nasa porn video ni Epy Quizon at asawa naman siya ni Joel Torre.
“Pagdating sa mga ganyang role, I’m very brave! Wala akong qualms sa mga ganyan papel,” katwiran ni Ms Liza.
Samantala, hindi lang artista si Ms. Liza sa “The Diary of Mrs. Winters” kundi parte rin siya ng marketing department.
“It’s the global strategy of the project, so, sa business (side) kung ano ang strategy para mabenta ang pelikula, saang festival tayo poposisyon para magkaroon ng sales.
“Anu-anong territories sa buong mundo ang manonood ng mga ganitong klaseng tema. Hindi masyadong nata-tackle kasi mahilig tayo (Pinoy) gawa lang ng gawa ng pelikula pero pagkatapos no’n hindi natin alam kung saan mapupunta, so, I hope that of what I acquired in my experience in FDCP, we can help more filmmakers to strategize the global sales,” esplika ni Ms. Liza.
Dagdag pa niya, “I’m also credited as one of the producers (The Diary of Mrs. Winters), pero global strategy. Isa sa branch ng Paradise, we call it screened paradise, anything on screen (like) series, pelikula, documentary, reality show.”
Related Chika:
Sylvia Sanchez naging third wheel nina Ice Seguerra-Liza Diño, netizens tawang-tawa: ‘Ang cute niyo’