Pakape yarn: ‘Coffee Festival’ sa BGC tuloy na ngayong Marso, may libreng concert

Pakape yarn: ‘Coffee Festival’ sa BGC tuloy na ngayong Marso, may libreng concert

MAGKAKAROON ulit ng “Coffee Festival” ang Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City sa March 18 at 19!

Matatandaang unang inilunsad ang nasabing event noong nakaraang taon.

Ayon sa BGC, ginawa ang festival para magkasama-sama sa iisang event ang coffee lovers at sabay-sabay na tangkilikin ang mga lokal na produkto ng kape.

Iba’t-ibang produkto ang tampok sa two-day event.

Bukod diyan ay magkakaroon din ng “Growing Coffee Culture” talk session na tampok ang ilang bigating personalidad sa coffee industry.

Ilan sa mga magsasalita ay ang Calibre Magazine Editor-in-Chief Carl Cunan, El Kapitan Coffee Owner and Operator Raymond So, at Coffee Commune Chief Extractor Rosario Juan.

May demo pa ng outdoor brewing mula kay Alex Aranzanso ng “Ten-Four Coffee by Overlandkings.”

Ang exciting part din ay magkakaroon ng libreng concert ang ilang lokal na banda.

Ilan lamang sa mga magtatanghal ay ang Pedicab, Party Pace, The Espasouls, The Buzzer Beaters, The Diegos, at DJ Honey.

Related chika:

Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Read more...