Anne Curtis may ‘dating tips’ ngayong Valentine's Day | Bandera

Anne Curtis may ‘dating tips’ ngayong Valentine’s Day

Pauline del Rosario - February 11, 2023 - 02:18 PM

Anne Curtis may ‘dating tips’ ngayong Valentine's Day

PHOTO: Courtesy PICKUP COFFEE

NAGBIGAY ng “dating tips” ang TV host-actress na si Anne Curtis para sa mga first time na makikipag-date, lalo na’t malapit na ang Valentine’s Day.

Inilahad niya ang kanyang mga payo sa isinagawang media event ng local start-up na PICKUP COFFEE na kung saan ay ipinakilala siya bilang kauna-unahang endorser ng negosyo.

Ayon kay Anne, kailangan lang maging totoo sa sarili at ipaalam sa mga kaibigan kung saan at sino ang kasama sa first date.

“I would say, be yourself and safety-wise. Make sure to let your friends know where you’re going and who you’re with and yeah, just be yourself and have fun,” sey ni Anne.

Ibinahagi din ng aktres ang kanyang pananaw kung sino ang dapat magbayad sa first date.

Saad ni Anne, “I think it’s fair for people to split the bill now. It shows a bit of independence as well for women.”

Bagamat magkaiba naman daw ang sitwasyon kung ito ay boyfriend o asawa na para sa kanya ay okay lang na mismo ang lalaki ang magbayad.

Sey niya, “If it’s someone you just met, I’m okay with splitting the bill. But you know, if it’s a treat from your boyfriend or husband, that’s okay, I don’t mind.”

Ayon pa kay Anne, hindi naman kailangan ng bonggang date para ipagdiwang ang Araw ng mga Puso dahil pwede naman daw ito sa mga simpleng pamamaraan.

“It can be spent doing anything even as simple as sharing a meal as long as it’s with your loved ones,” sabi ng aktres.

Sa huli, ibinunyag ng aktres na excited na siya sa kanyang upcoming movie project ngayong taon, pati na rin sa kanyang pagsabak sa NYC Marathon sa Amerika.

Samantala, super happy ang TV host-actress nang mapili siya bilang unang endorser ng PICKUP COFFEE, isang homegrown coffee company na nagsimula noong 2022.

Sey niya, “I’m excited to be working with a dynamic startup that provides delicious and affordable coffee that makes it accessible to so many people.”

“So when I was approached I didn’t even think a lot before I said yes,” aniya.

Sa kasalukuyan, ang coffee company ay mayroon nang 50 stores sa Metro Manila at Cebu.

Related chika:

Kape ni Kim Chiu robot ang nagtimpla: Isn’t it amazing! Nakakabilib na talaga ang technology ngayon!  

Hiwalayang Sunshine Cruz-Macky Mathay kinumpirma ni Mayor Francis Zamora?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne, Rayver lumebel sa mga Korean stars, sinorpresa ng fans sa shooting na may pasabog na coffee truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending