Kris Aquino binalikan ang ikinamatay nina Ninoy at P-Noy

Kris binalikan ang ikinamatay nina Ninoy at P-Noy: We have broken hearts

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Kris binalikan ang ikinamatay nina Ninoy at P-Noy: We have broken hearts

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 03:55 PM

Kris natuwa sa latest findings sa kanyang autoimmune disease, pero...

Kris Aquino

MAGKAHALONG pangamba at tuwa ang nararamdaman ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino hinggil sa development sa kanyang health condition.

Kuwento ni Kris, medyo positive ang latest result sa ginagawang treatment sa kanya sa Amerika para sa iniindang autoimmune diseases.

Baka Bet Mo: Magaling na komedyana iwas muna sa lalaki, na-trauma sa mga kaibigang problemado sa mga dyowa

Mismong ang kanyang kaibigan at confidante na si Kuya Dindo Balares, dating entertainment editor, ang nagbalita tungkol sa ilang updates sa kundisyon ng award-winning TV host-actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“As promised, ito ang iba pa naming pinag-usapan ni Kris Aquino, karugtong nang banggitin niya na napakataas ng kanyang cholesterol at triglycerides at karamdaman sa puso na naisalin sa kanya mula sa genes ng kanyang parents at grandparents,” simulang pagbabahagi ni Kuya Dindo na isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Kris sa showbiz.

“My dad’s dad died 55 years old from a massive heart attack,” ang kuwento ni Kris sa kanya.

“My dad had his heart attack and triple bypass at 47.

“Noy had an angioplasty 5 weeks before he die.

“Di ba nga that’s why we have broken hearts?” sabi pa raw ng nanay nina Joshua at Bimby.

Pagpapatuloy ni Kuya Dindo, “Pinag-usapan namin na broken hearts lang, never na broken spirits. Broken hearts and fiery spirits, sila ito.

Baka Bet Mo: Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

“Worried si Kris sa findings ng kanyang cardiologist, lalo’t wala pang puwedeng gawin para maisaayos sa ngayon na napakababa ng kanyang timbang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Pero hindi nito napigilan ang kanyang tuwa sa latest findings naman sa kanyang autoimmune disease,” pagpapatuloy pa ng dating showbiz editor.

Dagdag pa niya, “Finally, pagkaraan ng ilang taon nang pagpapagamot na walang nakikitang progreso, walang natatanaw na liwanag, tinablan na ito sa wakas ng itinaas na dosage ng methotrexate plus Dupixent.

“Malaking tulong din, kuwento pa niya, ang sariwang hangin ng Newport Coast.

“Nag-uumapaw ang tuwa ni Krisy,” dagdag niya.

Pakiusap pa raw sa kanya ng premyadong aktres, “Can you please thank everyone praying for me. Please thank everyone praying BUT they have more to pray for.

“Prayer works. When we pray, God works,” sabi pa ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol na mensahe pa ni Kuya Dindo, “Pruweba si Kris at ang mga taong nagmamahal sa kanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending