outbrain

Kris patutunayan muli ang pagiging Queen of All Media; babalik na rin sa TV?

By Reggee Bonoan June 27,2020
share this

Kris patutunayan muli ang pagiging Queen of All Media; babalik na rin sa TV?

By Reggee Bonoan June 27,2020
share this

KRIS AQUINO

GRABE! Pumirma pa lang ng kontrata para sa muli niyang pagbabalik sa showbiz ay inulan agad ng mga offer si Kris Aquino.

Balita namin, ang daming product endorsements niya dati ang nagbalikan at may mga bago ring inquiries kaya tiyak na natataranta ngayon ang Cornerstone Entertainment na may hawak ngayon sa kanyang career.

Nalaman namin na ang isang brand ng bath soap na inendorso na ni Kris ay bumalik at makikita yan bukas sa iba’t ibang digital at online platforms.

Tsika ng aming source, “Isa-isang nagbabalikan na ang mga product endorsements ni Kris nu’ng pumirma siya ng kontrata (Cornerstone).”

Hirit namin, hindi pa nga ibinabandera kung para saan at kung saang TV network ang pinirmahang kontrata, nag-unahan na agad ang mga kumpanyang interesado sa Queen of Social Media.

At heto pa bossing Ervin, “May online shopping ding kumuha at marami pang under negotiation.”

O, di ba? Ang taray ni Kris! Iisa lang ang ibig sabihin niyan, naniniwala ang advertisers na kahit matagal siyang nawala sa limelight, maraming naka-miss sa kanya at higit sa lahat, suportado pa rin siya ng followers niya.

Ang ganda ng nababasa naming feedback sa nakatakda niyang pamimigay ng laptop sa mga estudyante bilang tulong para sa online schooling.

And knowing Kris, kapag magaganda ang mga nababasa niyang komento, malamang baka dagdagan pa niya ang ipamimigay niyang laptop, di ba bossing Ervin? (Korak! Si Kris Aquino pa ba? — Ed)

                       

                         * * *

Espesyal na regalo ang hatid ng iWant para sa lahat ng nanonood ng mga pelikula, palabas, at originals nito dahil maaari nilang silang manalo ng bagong smart phone at iba pang mga premyo mula sa streaming service.

Manood lamang ng kahit anong pelikula, serye, o iWant original mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 31 para makakuha ng raffle entries at pagkakataong manalo ng iba’t ibang papremyo.

Upang makasali sa promo, mag-log in lang sa iWant app o iwant.ph gamit ang isang aktibong Kapamilya account. Sa bawat pelikula, palabas, o iWant original na pinanood nang buo sa iWant ay katumbas ang isang raffle entry. Malalaman ng user kung ilang raffle entries na ang napagkaloob sa kanila sa linggo-linggong e-mail na ipapadala sa kanila.

Ipo-post naman ang listahan ng winners sa Facebook page ng iWant at Kapamilya Thank

You. 

 

 

 

 

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending