Tira-tira sa paresan ni Diwata sayang, ibigay sa stray dogs!

Tira-tirang pagkain sa paresan ni Diwata sayang, ibigay sa stray dogs!

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Tira-tirang pagkain sa paresan ni Diwata sayang, ibigay sa stray dogs!

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 01:00 AM

Tira-tirang pagkain sa paresan ni Diwata sayang, ibigay sa stray dogs!

Diwata

MARAMI ang nanghihinayang sa mga nasasayang daw na pagkain sa sikat na sikat na paresan business ng social media personality na si Diwata.

May mga naglalabasan kasing chika sa social media na maraming mga natitira sa mga ino-order at kinakain ng mga customer na sumusugod sa negosyo ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay.

Isa ang isyung ito sa pinag-usapan sa latest episode ng “Showbiz Updates” vlog ni Ogie Diaz nitong nagdaang Linggo, May 12.

Nabanggit nga ng talent manager at content creator ang hinaing ng mga netizen sa mga tira-tirang food sa paresan ni Diwata na hindi nauubos ng mga customer doon.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

“Dahil unli rice ito, nakikita unli iwan din ng rice. Kaya ‘yung iba sinasabi, sana kung ano lang kayang ubusin ‘yun ang hingin.

“Hindi porke P100 lamang ‘yung tinitinda ni Diwata e, aabusuhin n’yo na. Willing namang magbigay basta uubusin,” ang punto ni Papa O.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dugtong pa niya, “Sa dami ng taong naghihirap ngayon tapos mag-iiwan kayo ng kalat, mag-iiwan kayo ng kanin na sumobra sa hingi.”

Dahil dito, may mga netizens ang nag-suggest na ipabalot na lang ang natitira nilang pagkain para maibigag at mapakain sa mga aso at pusang nasa kalye.

“Kaya naman ‘yung iba talagang nakikiusap na sa kanilang mga comment na sana ibigay na lang daw sa stray dogs ‘yung mga sobrang ulam, sobrang kanin,” sey pa ni Ogie.

Samantala, may pakiusap naman ang mga supporters ni Diwata sa mga taong nagbibigay ng tulong sa tinaguriang “Pares Diva” na sana’y tumulong din sa iba na mas higit na nangangailangan.

Baka Bet Mo: Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

May mga nagkomento kasi na parang sumasakay na lang daw yung ibang tumutulong sa kasikatan ni Diwata forda views and hits sa kanilang mga Facebook page at YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last week, nag-viral ang pagreregalo ng kotse ng isang car company kay Diwata bukod pa sa ibinigay na bahay at lupa plus P5 million worth of cash and business ng kapwa social media personality na si Rosmar Tan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending