Buboy maligaya sa tagumpay ni Diwata: Gawing inspirasyon!

Buboy maligaya sa tagumpay ng paresan ni Diwata: Gawing inspirasyon!

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Buboy maligaya sa tagumpay ng paresan ni Diwata: Gawing inspirasyon!

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 08:55 AM

Buboy maligaya sa tagumpay ng paresan ni Diwata: Gawing inspirasyon!

Diwata at Buboy Villar

HINDI naman nakikita ng komedyanteng si Buboy Villar na isang threat ang sikat na sikat na paresan ngayon ng social media star na si Diwata.

Matagumpay din kasi ang negosyong paresan ni Buboy at hanggang ngayon daw ay umaariba pa rin ang kanyang mga itinayong business kahit pa nga dumari na ang kakumpetisyon.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

Bukod sa mga pag-aari niyang paresan, may mga nag-franchise na rin daw sa kanyang business kaya may mga natutulungan na rin siyang mga baguhang negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Kuwento ni Buboy sa panayam ng radio host at showbiz columnist na si Gorgy Rula sa mediacon ng “Running Man Philippines Season 2” last Saturday, May  4, may 14 branches na ang kanyang Paresan ni Bok.

Dito nga siya natanong kung apektado ba siya sa super sikat nang paresan ni Diwata.

“Kanya-kanya naman po kasing diskarte iyan. Meron akong napanood na sabi nila, malayo naman yung lugar ni Diwata sa amin,” sabi ni Buboy.

Hindi rin daw threat sa kanyang business ang paresan ni Diwata, “Alam n’yo po, pare-parehas tayong mga Pinoy. Huwag na natin pang…I mean, lagyan ng beef kasi pares na nga yung binebenta nila. Huwag na nating dagdagan pa.

“Maganda yung pamumuhay ng mga tao, marangal. At sa init ng panahon, sikat po ang paresan. Akalain niyo po yun,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Diwata kinuhang empleyado sa paresan ang kaibigang sumaksak sa kanya

“Natutuwa naman po ako na bukod sa paresan ko, of course ang paresan ng iba ay successful sa ganitong panahon. Kahit mataas ang inflation po ay malakas pa rin po.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam niyo po, may napanood ako na sinabi ni Diwata na maging inspirasyon ang tao sa iyo, huwag mong kaiingitan.

“Kung gusto mong kaingitan, kainggitan mo yung kung paano yung kasipagan niya. Iyon po yung gawin niyo,” chika pa ni Buboy.

Samantala, abangan kung paano muling lalaban si Buboy sa season 2 ng “Running Man Philippines” kasama sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Glaiza de Castro, Mikael Daez at Lexi Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang bagong bakbakan ng mga Pinoy Runners sa “Running Man PH” sa May 11 at 12.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending